8.#YLVstartTheComposing

61 18 7
                                    


Rex POV:

"Ano ba!! Wala bang magseseryoso!? Kahapon ko pa kayo tinuturuan pero hanggang ngayon hindi nyo pa magawa yung napaka simpleng step.!"- sigaw ko sa mga dancers.

Pano sila matuto kung panay ang tingin nila sakin. Ganun na ba ka' Atractive ang kagwapuhan ko.

Hindi sila umimik.

"Lumabas na kayo, mamaya na natin ituloy to."- sabi ko.

Nagsilabasan na silang lahat.

Kinuha ko na ang face towel na nakapatong sa ibabaw ng speaker. Pinunasan ko ang mga pawis na lumabas sa katawan at mukha ko.

Bigla namang may nagbukas ng pinto kaya napalingon ako.

"Mabuti naman tumigil ka na sa pagtatago.?"- sabi ni Aby ng makalapit sya sakin.

"Hindi ako nagtago, nagpahinga lang ako."- sabi ko.

"Ok. Kamusta na nga pala ang solo album mo.? Nagsisimula na bang gumawa ng kanta ang weak mong composer?"- asar na tanong nya.

"Kung wala kang magandang sasabihin umalis ka na lang at wag mo kong guluhin."- sabi ko.

"Pano ka mananalo kung isang newbee lang ang gagawa ng kanta mo.!!? Siguradong wala kang makukuhang awards ngayong taon."- sabi nya.

Lumapit ako sakanya hanggang sa mapasandal sya sa malaking salamin.

"At sa tingin mo makakakuha ka? Baka mapahiya ka lang.!!"- sabi ko.

Lumayo na ko at naglakad na palabas ng performance studio.

Ang malas ko nga lang dahil may nakasalubong nanaman ako sa hallway. Si Felix.

Huminto sya sa harap ko.

"Akala ko di ka na magpapakita."- sabi nya.

"Hindi ko kailangan i' Down ang sarili ko dahil lang sa pagkawala ni Aby."- sabi ko.

"Sa itsura mo ngayon mukhang down na down ka na."- asar nya.

"Wala ako sa mood makipag-asaran sayo kaya tumabi ka."- sabi ko.

"Pano kung ayoko.?"- inis na tanong nya.

"Tabi.!"- sabi ko.

Naglakad ako at sinagi ang balikat nya.

"Ayaw mo tumabi kaya yan nabangga kita."- nakangiting sabi ko.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad, pumasok ako sa office ni president.

"Bakit? May kailangan ka?"- tanong nya ng makapasok ako sa loob.

"Wala! May sasabihin lang ako."- sabi ko

"Ano?"- tanong nya.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo? Minamaliit nila ako dahil sa composer ko."- sabi ko.

"Pinag-usapan na natin to Rex. Wag mo silang pansinin, magtiwala ka sa composer mo."- sabi nya.

"Magtiwala? Pano ako magtitiwala kung wala naman akong alam sakanya."- sabi ko.

Tumigil sya sa pag type sa laptop, tumingin sya sakin.

"Mabait na bata si Thea, wag mo muna syang husgahan. Tulad ng sinabi mo wala ka pang alam sakanya kaya magtiwala ka muna sa ngayon."- sabi nya.

"Bakit ba mukhang siguradong sigurado ka na sa desisyon mo.!?"- takang tanong ko.

Bigla namang may pumasok sa loob, si producer M.

"Oh Rex. It's nice to see you. Welcome back."- nakangiting sabi nya.

Umupo sya sa upuang kaharap ko.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon