32.#YLVbigConcert ( TheFinale)

63 15 0
                                    


Rex POV:

"Rex! Anong nangyayari sayo? Concentrate.!!"- sigaw ni manager Lyn.

"Pasensya na manager. I need rest."- sabi ko.

Umupo na muna ako sa upuan.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Thea pero hindi nya parin sinasagot.

"Wag kang mag-alala, magkakaayos din kayo."- sabi ni manager lyn.

Nagtaka ako sa sinabi nya pero hindi nya na ko pinagsalita pa agad din syang lumayo sa kinauupuan ko.

Hindi ako tumitigil sa pagtawag sakanya, pero hindi parin sya sumasagot.

Nang makapag pahinga ako bumalik na ulit ako sa pag re'Rehears.

Lutang parin ang utak ko.

Ano ng mangyayari saming dalawa, hindi ko kaya kapag iniwan nya ko.

Ang TANGA ko!!! Ang tanga tanga ko talaga! Mas pinili ko ang kasikatan ko kesa sa taong mahal ko.!!

Ngayon alam ko na, hindi ako naging loyal sakanya. :(

Buong araw akong walang ganang magrehears, hindi sumagi sa isip ko ang gaganaping concert ngayong gabi, si Thea lang ang naiisip ko.

"Mag ready ka na. After 30minutes magsisimula na ang concert. Punong puno na ang Araneta."- sabi ni manager Lyn.

"Sinubukan mo bang tawagan sila Producer M? Pupunta ba sila Thea?"- tanong ko sakanya.

"Papunta na daw sila pero ayaw daw sumama ni Thea."- sabi nya.

Kinuha ko ang cellphone ko.

Wala syang text, hindi man lang nya sinubukang tawagan ako. Yung mga text ko wala man lang syang reply.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Nasasaktan na ko Thea. Ayokong nagagalit ka sakin. Kaya please naman magtext ka.

Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.

Nagtext na sya.

From: Girlfriend
      Good luck sa concert mo. Sana masaya ka ngayon dahil hindi nawala ang mga fans mo.

Napahawak ako sa ulo ko.

Galit parin sya sakin..

Bakit kasi pinili ko sila kesa sakanya.??!!!

Gusto ko ng manuntok dahil sa galit na nararamdaman ko sa sarili ko.










Thea POV:

"Ok na lahat Thea."- sabi ni Felix ng makabalik sila dito sa CEC.

"Papunta narin sila ate mia at president sa araneta."- sabi ko.

"Ayusan na kita?"- tanong ni Aby.

"Tara."- aya ko.

Pumasok kami sa kwarto nya at sinimulan na kong ayusan.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon