25.#YLVaccident

56 14 0
                                    


Thea POV:

Iniabot ko ang MP3 kay Producer Roy ng makarating kami sa Gerlit Lake.

"Hindi mo malalait yang kanta mo ngayon dahil isa ako sa mga kumanta."- mayabang na sabi ni Rex.

"Pagmamayabang ba yan Rex?"- tanong ni producer Roy.

"Hindi. I'm telling the truth."- sabi ni Rex.

Hindi nya talaga maiwasang maging mayabang. Tss! Hindi na ba talaga sya magbabago.!?

Inilagay na ni producer Roy ang earphone sa tenga nya.

Kamalas malasan naman dahil biglang umulan kaya tumakbo kaming lahat sa silong na malapit sa Puno.

"Bumalik na muna tayo sa CEC."- sigaw ni Producer Roy sa mga stuffs.

Nagligpit ang mga stuffs kahit na basang basa na sila.

"Bumalik narin tayo."- sabi ni Rex sakin.

"Mababasa tayo. Ang layo ng parking lot."- sabi ko.

"Kailan ka pa naging maarte.!?"- sabi nya at bigla akong hinila.

Tumakbo kami papuntang parking lot.

Nang malapit na kami bigla naman akong nadapa dahil sa suot kong sandals.

"Ang lampa mo naman."- sabi ni Rex.

"Pinapasuot mo kasi sakin tong sandals. Haaay!! Sabi ko sayo hindi ako sanay mag high heels."- inis na sabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan tumayo.

"Yan! Basang basa ka na!."- sabi nya habang pinapandungan ng kamay nya ang ulo ko.

Pagpasok namin ng kotse agad syang nag maneho para makabalik agad sa CEC.



= ° ° ° ° ° ° =

(Evening...)

Pagdating ng gabi nakaramdam ako ng pananakit ng katawan kaya hindi na muna ako kumain ng gabihan.

Tumatawag sakin si Rex pero di ko sinasagot, malamang uutusan lang ako nun bumili ng pagkain nya.

Nahiga ako at nagpahinga. Hindi naman masyadong malamig pero nilalamig ako. May lumalabas na pawis sa buong katawan ko pero nilalamig ako.

Nagjacket ako at nagkumot pero nilalamig parin ako.

Maya maya bigla naman akong nakaramdam ng gustom kaya napabangon ako.

Mama! Kung nandito ka lang siguradong ikaw ang mag-aalaga sakin ngayon.
Mama! Gusto ko yung mga niluluto mo kapag may sakit ako.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

Lumabas ako ng kwarto, hindi ko iniinda ang sakit ng ulo ko.

Buti nalang nadaanan ko si Ate anna.

"Ate anna. May pagkain pa ba sa kusina?"- malamyang tanong ko.

"Naku Thea ubos na. Hindi ka pa ba nakain? Alas dyis na."- sabi nya.

"Hindi pa nga po."- sabi ko.

"Namumutla ka ata. May sakit ka ba?"- tanong nya.

"Po? Hahaha! Wala po. Nagugutom lang ako."- sabi ko.

"Gusto mo ibili kita ng pagkain sa labas.?"- tanong nya.

"Hindi na po. Ako nalang."- sabi ko.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad. Napapapikit narin ako sa sobrang sakit ng ulo ko kaya napahawak ako sa pader na nadaanan ko.

Nang medyo ok na ko nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Paglabas ko ng CEC ramdam ko ang malakas na hangin.

Grabe! Mas lalo akong nilamig.

Tumawid na ko, pero nang nasa gitna na ko napapikit nanaman ako sa sakit ng ulo na naramdaman ko.

Dahan dahan akong naglakad sa highway habang nakahawak sa ulo ko. Medyo lumalabo narin ang paningin ko kaya napatigil ako.

Pero bigla akong napatingin sa kaliwa ng mapansin kong may parating na sasakyan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, gusto kong umiwas pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Malapit na malapit na to sakin kaya napapikit nalang ako.

Naramdaman ko ang kotseng tumama sa katawan ko, tumalsik ako at nauntog.

Onti onti ng lumalabo ang paningin ko.

Eto na ata ang oras ko.
Magkakasama na tayo mama.





To be Continued...

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon