31.#YLVaby'sApology

55 14 0
                                    

Rex POV:

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko si Thea. Narinig nya, narinig nya lahat ng sinagot ko.

Nang matapos ang Interview agad akong pumunta sa CEC pero wala si Thea.

"Si Thea?"- tanong ko kay producer M nang pumunta ako ng office nya.

"Malamang gustong mapag-isa ng kapatid ko. Ano pa bang inaasahan mo Rex, syempre nasaktan sya sa pagtanggi mo sakanya."- sabi nya.

"Kapag inamin ko, baka mas lalo lang syang masaktan sa mga sasabihin ng nga fans ko."- sabi ko.

"Hindi naman kita masisisi Tex, ang akin lang sana naman pinaintindi mo muna sakanya bago ka nag pa interview para kahit papano, maintindihan nya ang sitwasyon."- sabi nya.

"Wala ka bang alam na pwede nyang puntahan?"- tanong ko.

"Wala."- sagot nya.

Hindi na ko nagtanong pa ulit, umalis ako ng CEC. Hinanap ko sya ng hinanap pero hindi ko sya nakita.

Please, Thea. Magpakita kana.

Nang mag gagabi na bumalik na ko sa CEC, baka sakaling bumalik na si Thea pero nang makarating ako wala parin sya.

Mga police lang ang nadatnan ko, kausap sila president at producer M.

"May suspek na kami sa nangyaring pagsagasa kay Ms.Thea."- rinig kong sabi ng police.

"Sino? Dapat mahuli na yan agad. Baka saktan nanaman nya yung kapatid ko."- inis na sabi ni producer M.

"Si Aby ang unang suspek namin. Kaya kailangan namin syang maka-usap. Alam nyo ba kung nasan sya?"- sabi ng police.

"Si Aby? Nagawa nya yun??"- paninigurado ko.

"Suspek palang namin sya dahil sya palang ang nakakaaway ni Thea."- sabi ng police.

"Wala si Aby dito. Kakaalis lang kasama si Felix."- sabi ni president.

"Hihintayin nalang naming  makabalik sila dito."- sabi ng police.

Naglakad na sila, tumigil sila sa harap ng CEC at dun naghintay.











Thea POV:

Nandito ako ngayon sa Gerlit Lake, nagpapalipas ng oras.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang nagsinungaling sa lahat.

Ibig bang sabihin nun hindi nya ko mahal!?. Pero nararamdaman ko namang mahal nya ko eh. Bakit ba sya nagsinungaling!?

Kinakahiya nya kaya ako? O hindi totoong mahal nya ko?

Gusto kong tanungin lahat! Lahat lahat ng yan sakanya pero ayoko pa syang makita.

"Thea.!"- may narinig akong boses na tumawag sakin kaya napalingon ako.

Si aby, kasama nya si Felix.

Pinunasan ko ang luha ko bago pa sila makalapit.

"Anong ginagawa nyo dito?"- tanong ko sakanila.

Umupo sa tabi ko si Aby at si Felix naman nanatiling nakatayo sa gilid ni aby.

"May kailangan lang akong sabihin."- seryosong sabi ni Aby.

"Ano naman? Parang napakaseryoso mo ata."- nakangiting sabi ko.

"Akin ang kotseng nakasagasa sayo Thea. Sinadya ko yung nangyari sayo. Sa sobrang inis at galit na naramdaman ko. Nakagawa ako ng bagay na ikakamatay ng isang tao. Sorry Thea. :'( hindi ko sinasadya."- umiiyak na sabi nya.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon