12.#YLVwatchMovie

57 16 0
                                    


Thea POV:

Namasyal kami ni Rex sa park kahapon. Mukhang magaan naman sya kasama kahit minsan sinusumpong sya ng kasupladuhan nya.

Napabangon ako sa gulat ng may malakas na kumatok sa pintuan.

Tumayo ako at dali daling binuksan ang pinto.

"Oh! President!! Bakit po?"- takang tanong ko ng makita ko kung sino ang kumatok.

"Sisilipin ko lang yung ginagawa mong kanta. Kamusta na ba? Matatapos mo na ba yung first song?"- tanong nya.

Patay!! Hindi pa..

"Hmmm. Yung totoo nyan president, hmmm! Medyo matatagalan ako bago matapos ang unang kanta."- sabi ko.

"Dapat bago mag 15 days matapos mo na yan. Kailangan ng magrecording ni Rex."- sabi ni president.

"Sige po president aasikasuhin ko na po yung pag compose ng unang kanta. Promise po."- sabi ko.

"Pumunta ka sa Performance studio nandun si Rex, magpatulong ka sakanya tutal song writer din naman sya dati."- sabi nya at umalis na.

Ibig sabihin nagsusulat din sya ng kanta.!? Ngayon ko lang nalaman.

Naligo na ko, nag-ayos.
Pagtapos dumeretcho na ko sa performance studio.

Nakita kong sumasayaw sila ni patricia yung coreo ni aby dati.
Yung mga tinuturuan nila nakatingin lang kay Rex.

Mukhang tama nga si patricia, lahat sila attracted kay Rex kaya hindi nila nakakabisado ang step.

Binuksan ko na ang pinto.
Pumasok ako at naupo malapit sa speaker.

Pinanood ko lang muna sila hanggang sa isa isa ng tinry ng mga babae ang step na tinuro ni Patricia.

"Ano ba!!! Ilang araw na tayong nagpapractice pero ni isa sa inyo wala man lang nakabisado ng buong step."- sigaw ni Rex ng magkamali yung babae.

"Lumabas kayo! Labas!!"- sigaw ni Rex sa mga babae.

Lumabas ang tatlo naiwan si Rex at patricia.

"Sabi ko sayo palitan mo na yung mga dancers."- galit na sabi nya kay patricia.

"Sinubukan ko naman pero walang may gusto."- sabi ni patricia.

"Umuwi ka na. Bukas nalang, siguraduhin mong bukas matatapos na tong practice."- sabi ni Rex.

Lumabas na si patricia.

Naglakad naman papunta sakin si Rex para kunin ang face towel na nasa ibabaw ng speaker.

"Bakit ka nandito?"- tanong nya.

"Pinapunta ako ni President dito."- sabi ko.

Pinunasan nya ang pawis nya sa mukha.

"Bakit daw.?"- tanong nya.

"Tulungan mo daw ako."- sabi ko.

"Tulong saan.?"- tanong nya.

"Ang sabi nya kasi songwriter ka dati kaya baka daw matulungan mo ko."- sabi ko.

"Hindi na ko nagsusulat ng kanta. Kaya hindi kita matutulungan."- sabi nya.

Naglakad na sya papuntang pintuan.

"Teka!!"- sigaw ko.

Tumigil sya.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon