28.#YLVconfession

61 14 0
                                    


Thea POV:

Matapos ng pictorial sa ATUMN pumunta naman kami sa isa pang pictorial sa MARIE CLAIR.

"Kung napapagod ka na pwede ka namang hindi tumuloy."- sabi ni Rex habang nagmamaneho.

"Nangako ako sakanila. Tyaka hindi pa naman ako pagod eh."- sabi ko.

Pagdating namin sa pictorial namangha ako sa ganda ng lugar.

"Anong tawag sa lugar na to?"- tanong ko ng makalabas kami ni Rex sa kotse.

"Shangrila Resorts."- sagot nya.

Hindi parin ako makarecover sa ganda ng lugar.

"Mag start na po tayo."- nakangiting bungad ng manager ng Marie Clair.

"Ok po."- nakangiting sabi ko.

Pinaupo muna nila si Rex sa tabi ng kotse.

Ang cool nya, kahit na hindi sya nakangiti ang gwapo nya parin.

Napahawak ako sa dibdib ko habang tinititigan ko sya.
Parang may kung ano akong naramdaman na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

Ano to??

Napatingin sya sakin kaya agad kong iniwas ang tingin ko.

Sinimulan na kong ayusan ng make up artist at pagtapos nagsimula ng mag pictorial.

Akala ko nung una medyo madali lang ang pag mo'Model dahil itatapat lang sayo ang camera kukunan ka ng picture at tapos na, pero hindi pala.

Nakakapagod din dahil pabalik balik ka sa dressing room para magpapalit palit ng damit na susuotin mo. Paiba iba pa ng hairstyle kaya.

Hindi ko gusto maging model, mas gusto ko parin naging songwriter at singer.



                   = ° ° ° ° ° ° =

Pabagsak akong umupo sa tabi ni Rex.

"Your tired?"- tanong nya.

"Nakakapagod pala."- mahinang sabi ko.

"Tapos naman na ang pictorial bakit di pa tayo umuwi?"- tanong nya.

"Saglit lang naman.! Hindi pa nga ako nakakapagpahinga. Atat ka naman masyado."- sabi ko.

Nagulat naman ako ng bigla nya kong hilahin patayo at sinakay sa kotse.

"Sabi ko magpapahinga muna ako eh."- sabi ko.

"May pupuntahan tayo."- seryosong sabi nya.

"Saan?"- tanong ko.

"Basta. May sasabihin ako."- sabi nya habang nagmamaneho.

Oh my!! Hindi kaya nakita nya yung picture nya sa cellphone ko.?? Wag naman sana.

Nakakahiya !!! -_-

"Tungkol saan ba yang sasabihin mo?"- tanong ko.

"About you."- sabi nya.

Sinimulan na kong kabahan kaya natahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa Gerlit Park.

Paglabas nya ng kotse sinundan ko lang sya.

Umupo sya sa bench kaya umupo rin ako.

"Anong nararamdaman mo?"- seryosong tanong nya kaya napatingin ako sakanya.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon