26.#YLVcaring

67 14 0
                                    


Rex POV:

Tahimik na gabi ang nasa paligid ko ngayon. Kanina pa ko tumatawag kay Thea pero di nya sinasagot.

Nakatulog ako na ko kaninang seven o'clock pero ngayon nagising ako ten o'clock na pero wala paring text back kay Thea.

Di man langa sya nagtanong kung bakit ako tumatawag kanina. Tss! Hindi ba sya nag-aalala sakin.?

Bumangon ako at pumunta sa kwarto ni Thea, pero pagbukas ko ng pinto nya walang tao.

Hobby nya talagang iwan lagi yung cellphone nya dito.

Bigla namang may nagsalita sa speaker.

Gabi na pero naka on parin ang speaker.

"Lahat ng stuffs at artist ng CEC, pinapakiusapan namin kayong lumabas ng inyong mga kwarto at bumaba sa first floor.Dahil may nangyaring aksidente sa labas."- sabi ng nagsasalita sa speaker.

Nagsilabasan ang mga artist at stuffs sa mga kwarto.

Bumaba rin ako at nakitang nasa baba na ang lahat.

Sumiksik ako para makapunta sa unahan. Tumabi ako kay Felix.

"Bakit may mga police dito?"- takang tanong ni producer M.

"Kanina lang may nangyaring aksidente sa tapat ng building nyo. May mga katanungan lang kami."- sabi ng isang police.

"Aksidente? Anong klaseng aksidente?"- tanong ni president.

Nagbubulung bulungan na ang mga taong nandito sa baba.

"May nasagasaan sa highway 30minutes ago. Naihatid na sya ngayon sa Asian Hospital. Humingi kami ng CCTV record sa katabi nyong restaurant. Pinanood at pinag-aralan namin ang video. Nakita naming hindi lang basta aksidente ang nangyari. Planado ang lahat, nakita namin sa video na nakahinto lang ang itim na sasakyan sa tapat ng restaurant. Nung tumawid na ang babae at napatigil ito sa gitna ng highway biglang umandar ang kotse at sinandya syang banggain."- mahabang sabi ng police.

"Bakit samin kayo nagpunta? Pinagkakamalan nyo bang isa sa mga stuffs at artist namin ang nagtangka sa babaeng yun?."- sabi ni producer M.

"Hindi naman yun yung punto namin miss. Magtatanong lang kami tungkol sa babaeng yun. May nakaaway ba sya para pagtangkaan sya ng masama.? May nababalitaan ba kayong nakakaaway o galit sakanya.?"- tanong nung police.

"Pano kayo nakakasiguradong kilala namin yung babae?"- tanong ni president.

Biglang kong naalala si Thea.
Tumingi ako sa paligid pero di ko sya nakita dito sa baba.

Napatingin ulit ako sa mga police.

Hindi kaya...

"Nakalimutan ko palang ipakita. May nakuha kaming ID na suot ng babae. ID to ng Cube Entertainment Company."- sabi ng police.

May kinuha syang plastic sa kasama nya at kinuha ang ID.

Nagsimula na kong kabahan habang kinukuha nya ang ID.

Tinignan ito ng police.

"Ang pangalan nya ay ... Thea Delvalle."- pagbasa ng police sa ID.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon