23.#YLVchemistry

66 16 0
                                    


Thea POV:

Nakahiga at nakatulala ako ngayon. Hindi makatulog dahil sa mga nangyari kanina.

Bakit pa kasi tumalon talon pa ko sa kamang yun eh.. Kaasarrrrr!!

Dito muna ako sa CEC natulog, bukas na ko maglilipat sa bagong tutuluyan ko.

Kinuha ko ang cellphone na nasa gilid ng unan ko.

Tinitigan ko ang picture ni Rex.

Bakit ka ba ganyan? Hindi mo ko pinapatulog. Nakakainis ka.

Inilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng tyan ko at tumingin sa kisame.

Lord, please po patulugin nyo na ko.

Napabalikwas ako ng may kumatok sa pinto.

Sino naman tong taong to? Gabing gabi na nangangatok parin.

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Pwede bang dito muna ako.?"- tanong ng lalaking kumatok.

Si Rex. Magulo ang kanyang buhok at nakapaa.

"Bakit? May problema ba?"- tanong ko.

Dire-diretcho syang pumasok sa kwarto ko at nahiga sa higaan ko.

"Hindi ako makatulog sa kwarto ko."- sabi nya.

Lumapit ako sakanya at hinampas ang hita nya.

"Ano ka ba! Hindi ka pwedeng basta basta nalang nakikitulog sa kwarto ng babae."- inis na sabi ko.

"Haay! Ngayon lang to."- sabi nya.

Itinakip nya sa mukha nya ang unan na dala nya.

"Matulog ka nalang dyan, di kita gagalawin. Hindi kita type."- sabi nya.

Sa bagay hindi naman ako ang tipo nya. Humiga ako, pero medyo malayo sakanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong ginanahang matulog. May maganda ring idinulot ang pagpunta ni Rex dito.

Pumikit na ko at nagsimula ng matulog.




(Kinabukasan...)

Nagising ako ng maramdaman ko ang ngawit sa leeg ko.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

Nagulat ako ng tumambad sa harap ko ang mukha ni Rex.

Nakadilat sya at nakaunan ako sa braso nya.

"Good morning."- nakangiting sabi nya.

Bumangon ako.

"Gising ka na pala eh. Bakit di ka pa bumalik sa kwarto mo.!?"- tanong ko.

"Pa'no ako makakabangon kung nakadagan yang ulo mo sa braso ko."- sabi nya.

"Pasensya na, hindi ko namalayan eh. Sige na bumalik ka na sa kwarto mo."- sabi ko.

"See you around."- sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Hinampas ko ang ulo ko.

Ano ka ba naman Thea!!

Tumayo na ko at naligo.

Pagtapos kong maligo agad akong nagbihis para makapunta agad sa Audition room.

Paglabas ko ng pinto nakita kong nakasandal sa gilid ng pinto si Rex.

"Ang bagal mong kumilos girlfriend."- sabi nya.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon