29.#YLVbashers

59 13 0
                                    

Thea POV:

Isang linggo na ang nakalipas ng maging boyfriend ko si Rex.

Hindi ko masasabing perfect ang lahat pero masasabi kong mas naging masaya kaming dalawa simula ng magkaron kami ng relasyon.

"Mataba na ba ko?"- tanong ni Kaith sakin.

"Hindi."- sabi ko.

"Sinasabi mo lang yan dahil kaibigan kita."- sabi nya.

"Lagi mo naman kasing sinasabi na mataba ka eh. Hindi ka naman mataba. Malaman oo, pero mataba? Hindi.! Chubby ka lang."- sabi ko.

Lagi nalang nyang sinasabihan na mataba ang sarili nya kahit ang totoo hindi naman talaga. Mas maganda kasi yung katawan ko kesa sakanya kaya parang nai'Insicure sya sa katawan nya.

"Totoo?"- paninigurado nya.

"Oo totoo yun. May sasabihin pala ako sayo."- sabi ko.

Gusto ko ng sabihin sakanya na kami na ni Rex.

"Ano yun?"- tanong nya.

"Kam---"- hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone nya.

Kinuha nya to sa bulsa nya.

"Oh my gosh!!"- sabi nya.

Nanlalaki ang mata nyang tumingin sakin.

"Bakit?"- pagtatakang tanong ko.

Pinakita nya sakin ang cellphone nya.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Magkasama kami ni Rex at magkahawak ang kamay habang naglalakad sa loob ng CEC.

"Ano yan Thea? Totoo ba yan?"- tanong ni Kaith.

"Si-sino nag upload nyan?"- tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero sagutin mo yung tanong ko."- sabi nya.

"Hmm! Kami na ni Rex."- sabi ko.

Nagbuntong hininga sya.

"Nasan yung cellphone mo?"- tanong nya.

"Bakit?"- tanong ko.

Hindi sya sumagot, bigla nya nalang akong kinapkapan at kinuha sa bag ko ang cellphone ko.

"Ano bang gagawin mo?"- tanong ko.

Binuksan nya ang cellphone ko at ibinalik din sakin to.

"Tignan mo."- sabi nya.

Tinignan ko ang cellphone ko.

Puro negative na comment ang mga nababasa ko sa picture namin ni Rex.

Sino ba yang girl na yan.? Hindi sya bagay kay Rex.

Kung sino man yan hindi rin sila magtatagal.

Hindi sila bagay.

Ginayuma ata ng babaeng yan si Rex.

Naniniwala kayo sa gayuma? Hindi totoo yan. Baka nilandi nya si Rex para bumigay sakanya.

She's a flirt.

Hanapin natin ang babaeng yan, iligtas natin si Rex sa malanding babaeng yan.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon