27.#YLVmodeling

61 14 1
                                    


Mia POV:

Lumipas ang tatlong araw at sa wakas nakalabas na ng hospital ang kapatid kong si Thea.

Hindi nya parin ako kinakausap pero hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa nagawa ko sakanila ni mama.

"Thea please talk to me."- sabi ko ng makapasok ako sa kwarto nya.

"Hindi ko naman sinasadyang pabayaan kayo ni mama. May malaki kasi akong problema nun kaya hindi magawang humarap sa inyo ni mama."- sabi ko.

Tumingin sya sakin.

"Kahit ano pa yang problema mo hindi sapat na kalimutan mo kami ni mama ate. Ilang araw kaming hindi nakakain ng maayos nung lumuwas ka dito sa manila. Kasi lahat ng pera na inipon namin ni mama binigay nya sayo. Tapos wala ka pang isang buwan dito hindi kana namin macontact, hindi ka na nagparamdam. Awang awa na ko kay mama nun dahil hindi sya kumakain ng maayos dahil nag-aalala sya sayo.! Lahat ng pwedeng trabaho sakin pinasukan ko para lang mabuhay kami at mapakain ko si mama! Pero wala eh! Mas inintindi kaparin nya. Nag ka Ulcer sya dahil lagi syang nagpapagutom, hindi kinaya ng katawan nya kaya namatay sya.! Hinintay kita ate!!! Isang linggo kitang hinintay na dumating sa burol ni mama pero hindi ka dumating.! Binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na hintayin ka ulit nung ililibing na sya pero wala! Wala ka! Hindi ka nagpakita. Hindi ko alam kung ano bang ginawa namin sayo para kalimutan nalang kamu ng ganun. Ang sama mo ate. Ang sama sama mo.!!"- umiiyak na sabi ni nya.

"I'm sorry Thea. I'm sorry. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko nun. Nang lumuwas ako dito sa manila nakilala ko si Max. Hindi ko inakalang magugustuhan ko sya kaya nung nagkayayaan kami mag inuman may nangyari samin. Nabuntis ako ng maaga dahil sa pagkakamaling yun. Ayokong magpakita sa inyo ni mama dahil ayokong madispoint si mama. Ang sabi ko sa sarili ko aalalahanin ko muna ang anak ko pagtapos babalikan ko kayo. Nang manganak ako pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa tulong ni Max. Nang makatapos ako nagpakasal kami at hinawakan namin ang kompanya ng daddy nya. Masyado akong naging busy kaya hindi ko na kayo naalala. Ang iniisip ko lang kung paano ko bibigyan ng magandang buhay ang anak namin ni Max. I'm sorry Thea. Hindi ko sinasadya lahat ng nangyari."- umiiyak na sabi ko.

"Ate. Nagkaanak ka? Dapat sinabi mo samin ni mama. Tatanggapin ka naman namin dahil mahal ka namin. Dapat nagpakita ka man lang."- sabi ni Thea.

"I'm sorry."- sabi ko.

Niyakap nya ko.

"Ngayon naiintindihan ko na ate."- bulong nya sakin.

Bumitaw sya sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko.

"Ang panget mo kapag umiiyak."- biro ni Thea.

Natawa nalang kaming dalawa.










Rex POV:

After two days ng makalabas si Thea umayos ang lahat sa pagitan nilang magkapatid.

Ngayon punong puno ng mga manager ang CEC dahil naghahanap sila ng magiging model for the magazine.

Nandito ang manager ng Cosnopolitan, manager ng Bench, manager ng Highcut, manager ng Atumn at manager ng Marie Clair.

"Eto lahat ng girl artist namin."- sabi ni President.

Nakahelera lahat ng babaeng artist ng CEC sa mga manager.

Pinili ng cosmopolitan ay si Aby. Ang pinili naman ng bench ay si Jasmin. Dancer and actress sya na hawak ni manger Lyn.

Ang pinili naman ng manager ng Highcut at si Bell. Singer and dancer na hawak ni producer Roy.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon