20.#YLVreconciliation

62 16 0
                                    


Thea POV:

Papasok na sana ako ng kwarto ko para matulog, nang tawagin ako ni producer M.

"Pwede ba tayo mag-usap Thea?"- tanong ni producer M.

"Sige po."- sabi ko.

Pumunta kami sa office nya na malapit sa kwarto ko.

"Gusto mo bang kasuhan sila Mrs.Guererro?"- tanong nya.

"Po? Hindi po. Gusto ko lang wag nilang kunin ang kanta ng ate ko."- sabi ko.

"Ganun ba. Kinausap na sila ni president kaya ibabalik nila sayo yung kanta ng ate mo."- sabi nya.

"Salamat po."- sabi ko.

"Sorry Thea."- sabi nya.

"Bakit po kayo nag so'Sorry?"- tanong ko.

"Sorry dahil pinagselosan kita. Sorry dahil pinagsalitaan kita ng masama nung mga nakaraang araw. Mapapatawad mo ba ako Thea?"- sabi nya.

"Hindi naman po ako nagalit sa inyo. Naiintindihan ko po kayo."- sabi ko.

"Ang bait mong bata. Nasan nga pala ang pamilya mo?"- tanong nya.

"Hmm! Wala na po."- sabi ko.

"Nasan sila?"- tanong nya.

"Yung papa ko po hindi ko kilala, iniwan nya kami nung bata pa. Si mama kamamatay lang po."- sabi ko.

"Wala ka bang kapatid.?"- tanong nya.

"Meron po, pero iniwan nya din kami ni mama tulad ni papa. Kinalimutan nya kami dahil sa pangarap nya."- malungkot na sabi ko.

"Ganun ba. Paano kung magkuta kayo ng ate mo?"- tanong nya.

"Hindi ko lang po alam. Ang alam ko lang galit ako sakanya."- sabi ko.

"Hindi mo ba sya papatawarin?"- tanong nya.

"Hindi ko po alam. Hmm! Producer M pwede po ba magpahinga na ko? Inaantok na kasi ako."- sabi ko.

"Sige. You may go."- sabi nya.

Lumabas na ko ng office nya at dumiretcho na sa kwarto ko.



                   = ° ° ° ° ° ° =

(Kinabukasan...)

Nang makabangon ako agad akong pumunta sa kwarto ni Rex para dalhan sya ng kape at pagkain.

"Good Morning."- nakangiting sabi ko sa nakaupong si Rex habang nanonood ng Tv.

Inilapag ko sa lamesa nya ang kape at pagkain.

"Nag breakfast ka na ba?"- tanong nya.

"Hindi pa. Sasabay ako sayo."- sabi ko.

"Kumain ka na dyan."- sabi nya.

"Sabay na tayo."- sabi ko.

"Wala akong ganang kumain ngayon."- sabi nya.

Tumabi ako sakanya at hinawakan ang braso nya.

"Sige na sabay na tayo. Hindi rin ako kakain kapag di ka kumain."- sabi ko.

"Sige na tara na kumain na tayo."- sabi nya.

Nagsimula na kaming mag almusal.



                  = ° ° ° ° ° ° =

Pagtapos namin kumain bumalik ako sa kwarto ko para simulan ang last song na isusulat ko para sa album ni Rex.

Ano kaya pwedeng isulat?

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon