16.#YLVdance+Kiss=HeartbeatFast

58 16 0
                                    


Thea POV:

Nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko agad akong bumangon.

Napatingin ako sa paligid ko.

Teka! Bakit nandito ako? Ang alam ko natulog ako sa kotse ni Rex.

Tinignan ko ang cellphone ko.

Ohh! 7am na. Paano ako nakabalik dito sa kwarto ko!??

Nakakapagtaka!.

Pinatay ko ang alarm at lumabas ng kwarto.

Sumakay ako ng elevator para puntahan si Rex kung nakabalik na din sya.

"Rex!"- tawag ko sa labas ng pintuan nya.

Bukas ang pinto kaya pumasok na ko.

Napatingin ako sa tatlong box na nasa sofa ni rex.

Ano tong mga to?

"Gising kana pala."- bungad ni Rex paglabas ng bathroom.

"Pano tayo nakabalik dito?"- tanong ko.

"Nag alarm ka ng 12, nagising ako kaso tulog ka kaya di mo namalayang pina andar ko na ang kotse."- sabi nya.

"Naglakad ako papuntang kwarto? Bakit di ko ata maalala.?"- pagtataka ko.

"Syempre tulog ka. Binuhat kita papunta sa kwarto mo."- sabi nya.

Ano daw!? Ginawa nya yun? Haaaay!! Nakakahiya ka Thea..

"Ah ganun ba. Salamat."- nahihiyang sabi ko.

Binalik ko ang tingin ko sa mga kahon.

"Ano tong mga to?"- tanong ko.

"Para sayo yan."- sabi nya.

"Para sakin?"- paninigurado ko.

Binuksan ko ang mga ito at nakita kong sandals ang mga laman ng kahon. Hindi sya ganun kataas na takong. Tapos yung isa kulay white na mataas sya pero hindi pointed yung takong kaya malalakad sya ng maayos.

"Bakit ka bumili ng mga to?"- tanong ko.

"Sabi mo hindi ka marunong gumamit ng high heels kaya bumili ako ng ganyan para magsimula ka muna sa mababa, then next yung high heels naman ang ita'try mo. Sayang naman yung una kong binigay sayo kung di mo gagamitin diba.!?"- mahabang sabi nya.

Binili nya ko ng mga ganito para masuot ko yung una nyang binigay sakin. NAKAKAPANIBAGO.

"Hindi mo ba nagustuhan girlfriend?"- tanong nya.

Yan nanaman sya sa Girlfriend..

"Nagustuhan ko naman BOYFRIEND..:) pero di mo naman ako kailangang bilhan ng mga to."- sabi ko.

"Nakakalungkot naman parang hindi ata nagustuhan ng girlfriend ko."- malungkot na sabi nya.

"Sige na nga! Tatanggapin ko na to. Tuturuan mo ko?"- sabi ko.

"Isuot mo para masanay ka."- sabi nya.

Kinuha nya ang isang sandals.

"Oh teka ako na."- sabi ko ng isusuot nya sana sa paa ko ang sandals.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon