11.#YLVcloser

67 18 1
                                    


Thea POV:

Eto ako nakatulala.. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala paring laman ang utak ko.

Haaaay!! Pano na to.!!?

Biglang nagring ang phone ko. Nagtext si Rex.

Nasan ka? Pumunta ka dito sa parking lot.

Parking Lot?? Talagang ginagawa nya kong utusan..

Sinuot ko ang lumang jacket na ibinigay ni Kaith sakin at pumunta na sa Parking Lot.

"Bakit? Anong kailangan mo.?"- tanong ko ng makalapit na ko sa kotse nya.

"May Interview ako ngayon."- sabi nya.

"Ano naman.?!"- sabi ko.

"Sasama ka."- sabi nya.

"Hindi naman ako kailangan dun."- sabi ko.

"Kailangan ko ng alalay. Kaya sumakay ka na."- sabi nya.

"San ba yang Interview mo?"- tanong ko.

"Sa Gunrey Garden."- sabi nya.

Garden?? Ngayon lang ako makakapunta dun.. Tama sasama nalang ako. :)

Umikot na ko sa kabila para makasakay na sa kotse.

"Diba maganda dun?"- tanong ko ng makapasok na ko sa loob.

Hindi sya umimik.

"Parang wala akong kausap."- mahinang sabi ko.

Ngsimula na syang magmaneho.

"Bakit wala kang driver?"- tanong ko.

"Wag ka ngang tanong ng tanong nagdadrive ako. Pwede ba tumahimik ka."- inis na sabi nya.

Tsss!! -_-

Huminto ang kotse sa lugar na puno ng puno at mga bulaklak.

"Wow.!! Grabe ang ganda dito."- sabi ko ng makababa ako sa kotse.

Nauna ng naglakad si Rex. Sumunod ako sakanya habang umiikot ang paningin ko sa paligid na puno ng bulaklak.

"Ready ka na ba Rex?"- tanong ng babaeng reporter.

Hindi sumagot si Rex at naupo na sa upuan.

Umupo narin ang babaeng mag e'Interview sakanya.

in'On na ng camera man ang hawak nyang camera.

"Magandang hapon sa lahat. Ang ating makakasamang guest ngayong araw ay isang Famous Artist and Singer from CEC. Si Rex Jantson."

Ngumiti si Rex sa camera.

"Kamusta naman ang pagbabalik sa CEC? Marami kasing nagsasabi na masyado ka daw nalungkot sa pagkawala ng loveteam nyo ni Ms.Aby."

"Nung nalaman ko yung balita tungkol sakin hindi ko maiwasang matawa. Ang totoo po nyan sumama lang ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakabalik sa CEC. Hindi po totoo na nalungkot ako."- Rex

Ano daw? Masama pakiramdam?? Tsk! Sinungaling..

"Pero totoo ba na ikaw ang naunang bumitaw sa Love Duos?"

"Hindi."- Rex

"Yun kasi ang kumakalat na balita Mr.Rex."

"Sya ang unang bumitaw yun ang totoo at kung ano man ang dahilan masyadong personal para sabihin pa namin sa publiko."- Rex.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon