18.#YLVanger

49 15 1
                                    


Thea POV:

Nang malaman kong lalabas yung kanta ni ate sa album ni Felix agad akong pumunta sa office ni Mrs.Guererro.

"Thea. Hindi ka ba marunong kumatok.!?"- sabi ni Mrs.Guererro ng makapasok ako sa office nya.

Nasa loob din si Felix.

"Sino kumaha ng tape ko?"- inis na tanong ko.

"Ano bang sinasabi mo?"- takang tanong ni Mrs.Guererro.

"Yung lyrics ng kanta na lalabas sa album ni Felix.! Akin yun.! Paano nyo nagawang magnakaw ng isang kanta ng hindi sa inyo."- galit na sabi ko.

"Ano bang sinasabi mo.! May nagbigay lang sakin nun."- sabi ni Mrs.Guererro.

"Sino? Sinong magnanakaw ang nagbigay sa inyo nun."- sigaw na tanong ko.

"Wag kang sumigaw dito Thea.! Nandito ka sa office ko.! Kaya wala kang karapatan na sigawan ako.!"- sabi nya.

"Thea huminahon ka."- sabi ni Rex.

"Baka naman naiinggit ka sa lyrics na yun kaya inaangkin mo!"- sabi ni Mrs.Guererro.

"Sakin yun!!"- sabi ko.

"Rex ilabas mo si Thea. Baka gusto nyong kasuhan ko kayo."- sabi ni Mrs.Guererro.

"Kasuhan!? Ako? Kayo ang magnanakaw hindi ako.!"- sabi ko.

Hinila ako ni Rex.

"Bitawan mo ko.! Kailangan kong makuha ang tape ko."- sabi ko kay Rex.

Di sya natinag nilabas nya ko sa office.

"Mali yang ginagawa mo Thea."- sabi nya.

"Anong mali.! Rex akin yun. ! Sigurado akong yun yung lyrics na nasa tape na nawala sakin."- sabi ko.

"Pero huminahon ka naman Thea. Please.! Mas mataas sayo si Mrs.Guererro. Kaya ka nyang paalisin dito."- sabi ni Rex.

"Ok. Ok.!!"- sabi ko.

Kinalma ko ang sarili ko.

"Kailangan makipag-usap ka ng maayos hindi yung sisigawan mo sila."- sabi nya.

"Halika.! Kailangan mahanap natin yung tape para may ibedensya tayong sayo nga yung kantang yun."- sabi ni Rex.

Hinila nya ko palayo sa office ni Mrs.Guererro.

Pumunta kami sa basurahan para hanapin ang tape. Baka kasi tinapon ng taong yun ang tape bago nya kinopya ang lyrics.

Lahat ng basurahan hinukay namin gamit ang stick. Pero wala kaming nakitang tape kahit isa.

Tinignan ko si Rex. Mukhang nandidiri na sya sa sarili nya.

"Pasensya ka na ha."- sabi ko.

"Ok lang girlfriend. Boyfriend mo ko kaya tutulungan kita."- nakangiting sabi nya sabay akbay.

"Pero hindi naman kita totoong boyfriend."- sabi ko.

"Ok lang yun tinuturing naman kitang girlfriend."- nakangiting sabi nya.

Matapos namin sa basurahan, bumalik na muna ako sa kwarto ko at bumalik na din muna sya sa kwarto nya.

Naligo muna ako at nag-ayos.

Pagtapos pumunta na ko sa kwarto ni Rex.

"Mamaya imi' Meeting nila yung about sa new song ni Felix. Pupunta tayo dun para mapakinggan nila ang side mo."- sabi ni Rex ng makapasok ako sa kwarto nya.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon