14.#YLVrecording

62 16 0
                                    


Thea POV:

Pinilit ko talagang magising ng maaga para malaman ko agad ang desisyon ni President.

"Ang aga mong gumising 6;45am palang. May kailangan ka ba?"- tanong ni president ng makapasok ako sa office nya.

"Hmmm! Napakinggan nyo na po ba yung kanta.?"- tanong ko.

Tumango sya, pero parang malungkot yung mukha nya.

Mukhang di nya nagustuhan.

Tumingin si president sakin at ngumiti.

"Good Job Thea."- nakangiting sabi nya.

"Nagustuhan nyo po?"- tanong ko.

"Oo. Saktong sakto yung backround sounds. Kinausap ko rin si producer Roy tungkol dito. Kaya nakapagdesisyon na kami na ilalabas namin to sa album ni Rex."- sabi nya.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya sa sobrang saya.

"President maraming salamat po. Akala ko hindi ko matatapos yung unang kanta. Pero nagawa ko. Salamat po sa tiwalang binigay nyo sakin."- masayang sabi ko.

Napatingin naman kami sa nagbukas ng pinto. Si Producer M.

Napatingin sya sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni president.

Agad akong bumitaw.

"Anong nangyayari?"- tanong ni Producer M.

"I congrats her."- sabi ni president.

"May pahawak hawak ng kamay.?"- inis na tanong nya.

"Wala pong ibig sabihin nun producer M."- sabi ko.

"Lumabas ka muna Thea."- sabi ni president.

"No! Dito lang sya."- sigaw ni Producer M.

"Wag mo kong pahiyain sa ibang tao. Nilalagyan mo ng malisya ang isang bagay na hindi mo naman nakita kung anong pinagmulan.!"- galit na sabi ni president.

"Ano nga ba!? "- galit na tanong ni producer M.

"Thea. Puntahan mo na si Rex sabihin mo mag Recording na sya."- sabi sakin ni president.

Nagmadali na kong lumabas ng office nya.

Haaaay! Ano bang ginawa ko.!!?

Hindi ko nalang inisip pa ang nangyari sa loob. Dumiretcho na ko sa kwarto ni Rex.

Kakatok sana ako ng mapansin kong bukas ang pinto ng kwarto nya.

Binuksan ko ang pinutuan at nakita kong tulog pa si Rex.

Lumapit ako sakanya.

Ang gwapo nya pala. Ngayon ko lang napansin.

Nilabas ko ang cellphone ko.

Sorry hindi ako magpapaalam ha.

Natuwa ako sa mukha nyang natutulog kaya pinicturan ko sya.

Whahah. Ang gwapo kahit tulog. :)

Napatingin ako sakanya.

Teka! Bakit ko sya pinicturan. Mabura na nga.

Napatigil ako.

Pero sayang naman ang gwapo nya dito. Wag na nga, save ko nalang.

Your Lovely VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon