JAM 5 Realized

1K 107 26
                                    

Kinilabutan talaga ako doon sa sinabi ni Ivy through text.




Siya pa talaga yung pumayag na maging girlfriend ko kaagad at ngayon ay pinagpipilitan niya na boyfriend niya na ako.




Alam kong mali ako dahil pabigla-bigla na lang ako ng desisyon at isa pa ay masasaktan ko lang siya kasi hindi ko siya mahal.




Sa aking pinaggagagawa ay nagkakasala ako nito sa Diyos. Ngayon ko lang unti-unting narerealized na mali talaga ako dapat ay itama ko ang lahat ng pagkakamali kong ito.




Ang akala ko ay napakabait ni Ivy dahil sa amo ng kanyang mukha at tama nga sila, "looks can be deceiving at first" kaya I need to talk to her as soon as possible about this.




I need to tell also Nick na hindi ko na itutuloy yung Deal dahil makakasakit lang ako ng damdamin ng isang tao lalp na't babae pa.




Alam niyo naman ang mga babae masyadong emosyonal! Ilalabas at ilalabas ang lahat ng kanyang hinanakit hindi kagaya naming mga lalaki na sinasarili ang problema.




Malaking kaguluhan itong pinasok kong ito lagot ako sa Parents ko at baka maD.A. pa ako sa Church.




Sabi kasi nila kapag naD.A. ka daw o Disciplinary Action ay hindi ka maaaring tumayo sa Service it means hindi ako makakatugtog. 2 months pa naman yung parusa kaya I need to settle all of this.




Dapat pa ba akong humingi ng advice kay Dad? Tutal close naman kami at baka matulungan niya ako sa problemang pinasok ko.




★★★★★★★★



Elmo's Note:



Malapit na pong matapos ang first story natin kaya huwag niyong kalilimutang magcomment at Vote!



Word of God



It is fearful thing to fall into the hands of the living God.
-Hebrews 10:31



You can have tons of religion without an ounce of salvation.



Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014

Heart of a ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon