Bakit nga ba kinakabahan ang isang tao? Ayan ang ating pag-uusapan ngayon.
Maraming dahilan kung bakit kinakabahan ang isang tao...
Una, may nagawang kasalanan na kaniyang pinagtatakpan.
Bakit nga ba tayo gumagawa ng mali tapos in the end ay kinakabahan tayo kasi malapit na tayong mabuking?
Kadalasan kasi ay hindi naman natin intensyon na gumawa ng mali. Halimawa na lang ay kapag naiwala natin yung bagay na hiniram natin sa ating kaklase.
Scene 1:
Classmate: pssst! Diba hiniram mo yung libro ko? Nasaan na?
Ikaw: sinoli ko na sayo noong isang araw!
Classmate: talaga? Wala naman akong matandaan eh! Basta nasayo pa iyon alam ko!
Ikaw: "kinakabahan kasi hindi mo alam kung saan nailagay yung libro niya"
------------
Ayun yung unang halimbawa kinakabahan tayo kasi may mali tayong nagawa tapos nagsinungaling pa tayo. Hindi natin maamin na ikaw talaga yung may kasalanan kaya nagsisinungaling ka na lang.
Ayan isa pa iyang pagiging sinungaling kung bakit tayo nagiging makasalanan. Most of the time, ayan ang kadalasang kasalanan na dapat nating iwasan.
Diba may tinatawag na white lie? Ayun yung nagsinungaling ka kasi gusto mong mailigtas ang isang tao. Kahit white lie pa iyan, kasalanan pa rin iyon.
Pangalawa, kinakabahan tayo kapag recitation sa school. Hindi natin alam kung ano ang ating gagawin kasi nakalimutan nating magbasa ng ating leksyon.
Ako kasi kadalasan ko ding nararamdaman iyan lalo na tuwing tatawagin ako ng guro namin. Although nagagawa ko naman siya kaso medyo nakakalimutan mo kasi kinakabahan ka.
Sabi nila, kapag kinakabahan ka daw ay mas lalong makakalimutan mo yung sasabihin mo at magpapanic ka. Kesyo ganito kesyo ganyan.
Mahilig ka sigurong uminom ng kape noh? Sabi kasi nila na ang kape ay nakakanerbyos kasi dapat sa mga matatanda lang iyon eh ang gatas naman ay pampalakas diba? Eh paano kapag pinagsama mo yung kape at gatas? Ade, nakakapampalakas ng nerbyos! Haha :D tinuro sa amin iyan ng guro namin noon haha XD
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...