JAM 8 EGR

1K 104 12
                                    

Ngayon ay wala na akong pinoproblema pa kaya magaan na yung loob. Hindi na rin namin itinuloy ni Nick yung Deal dahil hindi niya rin pala kaya.

Ngayon ay mayroon kaming EGR o Encounter God Retreat. Two days and One night. Kaya excited na akong makaface to face si God.

Ano nga ba ang EGR? Ano purpose nito?

Ang EGR ay isinasagawa sa mga Workers at Members ng Church upang lubos na makakilala kay God. Through this, mas mapapalalim natin yung Faith natin tsaka makakaharap mo si God. Opo tama kayo ng basa, makaka 1on 1 niyo po si God at talagang nakakapuspos.

After mong magEGR ay marami pang step para ikaw ay maging Leader.

Nang makarating kami sa Venue ay nagpicture-picture muna kami kasi kapag nagsimula na kami ay hindi allowed ang anumang gadget lalo na kapag may nagtuturo sa harap.

Naggroup po kami at bawat grupo ay mayroong SG o Spiritual Guide. Ang natapat sa amin ay si Kuya Migz. Separate po yung mga lalaki at babae.

As usual, nagstart kami ng prayer tapos Praise and Worship then nagturo na yung dapat magturo.

Ganun lang lagi yung flow ng aming ginagawa. Tapos, hindi maiiwasan ang antok dahil hanggang gabi po kami kaya dinadalhan kami ni Kuya Migz ng kape para hindi makatulog. Nakakahiya kasi roon sa Preacher kapag nakatulog ka.

Tapos nagkaroon din kami ng Party-party. Strict po doon, kapag sinabing matulog na matulog na. At bawal ang pasaway.

Syempre kasama kong natulog yung mga kamember ko tsaka si Kuya Migz. Hindi naman ako pwedeng lumipat ng puwesto doon sa mga kaibigan ko dahil bawal nga.

Aral dito aral doon ng salita ni God. Tapos marami ka talagang matututunan doon. Bago kami mag-uwian ay binigyan kami ng aming mga SG ng Spiritual name.. ang nakuha ko ay... 

Highly Favored..

Dapat ko pa bang i-explain sa inyo? Huwag na alam niyo na ibig sabihin non haha :D

Enjoy ang EGR lalo na yung time na parang kausap mo talaga si God ng kayong dalawa lang talagang feel na feel mo yung presence niya.

God is God.. 

And he is good..

★★★★★★★★★

Elmo's Note:

Comment and Vote po :)

Word of God

Attend to my cry, for I am brought very low. 

-Psalm 142:6

Your problems can never exhaust God's provisions.

Copyright © risingservant 

All Rights Reserved 2014

Heart of a ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon