VIA 11 Back To Normal

529 79 8
                                    

Back to Normal na ang lahat kaya wala na akong problema pa! Ang saya-saya ko na at masasabi ko na na nakamove-on na talaga ako.

Lahat ng problema na kinaharap ko ay nasolved na. Kung paano nasolved ang financial problem? Ganito kasi iyon...

★flashback★

Examination week namin noon at dahil hindi pa ako bayad sa tuition fee ay hindi ako makakakuha ng exam kaya nandito ako ngayon sa bahay.

Habang naglilinis ako ng bahay ay biglang dumating ang Nanay ko na sumisigaw sa tuwa.

"Yes! Salamat kay God at makakapag-exam na ang anak ko! Anak! Request granted na! Bukas na bukas din ay makakapag-exam ka na." Sabi ni Nanay na tuwang-tuwang ibinalita sa akin ang good news.

"Talaga po Nay? Yehey! Ang buti talaga ni God kasi hindi niya tayo pinapabayaan. Oo nga pala Nay, saan ka nakakuha ng pambayad?" -Ako

"Nagpadala kasi ang Tito Ricky mo ng pera sa atin kaya laking tuwa ko! Glory to God talaga kasi ginamit niyang instrumento ang Tito mo para matulungan tayo." -Nanay

"Oo nga po, ang galing talaga ni God!"

★end pf flashback★

Kaya ngayon ay wala na akong problema. Hindi lang iyon, may good news pa kaming natanggap mula kay Tatay.

Ibinalita niya sa amin na natanggap siya sa kanyang in-applyan na trabaho kaya dagdag kasiyahan na naman iyon para sa amin.

Kaso nga lang, mawawalay siya sa aming piling. Mamimiss ko si Tatay. Kahit na strict iyan masyado ay Mahal na Mahal ko iyan.

Ang trabaho kasi ni Tatay ay OFW doon sa ibang bansa kaya mamimiss ko siya. At sigurado naman akong hindi siya papabayaan doon ni God.

Maraming blessings ang nakalaan para sa atin at tayo lamang ang may hawak ng susi para mabuksan ang sisidlan nito.

★★★★★★★★

Elmo's Note:

Maraming Salamat po sa patuloy na pagsubaybay dito sa akin kwento. I hope na marami kayong natutunan at maibahagi niyo po ito doon sa iba.

Comment and Vote! 

Salamat!

Word of God

Do not grow weary in doing good. 

-2 Thessalonians 3:13

No matter who your boss is, you are really working for God.

Copyright © risingservant 

All Rights Reserved 2014

Heart of a ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon