Matanong ko lang kayo...
Nagkaroon na ba kayo ng manliligaw? Ilan? Kwento niyo naman bilis!
Kasi ako oo! At first time kong magkaroon ng manliligaw ah, unexpected.
Alam niyo po ba yung feeling na para kang naiilang kasi hindi ka sanay na may lalaking lalapit sayo tapos bibigyan ka ng bulaklak tsaka chocolate. Oo masarap sa feeling kapag nakatanggap ka ng ganoong bagay mula sa iba.
At dahil first time kong nagkaroon ng Suitor, naiilang ako. Tapos, nahihiya ako kasi maraming tao ang nakakakita ng ginagawa niya. Ako kasi yung tao na ayaw ng exposure, gusto ko yung private life.
Tapos, nagugulat na lang ako minsan kasi may love letter sa locker ko. Oo aaminin ko, kinikilig ako kaso masyado pa akong bata para pasukin yung ganito. Tsaka mas priority ko po yung pag-aaral. Pero ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may nanliligaw sayo promise! Yung puso ko parang sasabog sa kilig!
Want to know my experience? Ok, let me tell you...
★flashback★
Naglalakad ako noon pauwi galing sa school so bale palabas pa lang ako ng gate ng makita ko si Crush.
May hawak siyang bouquet of flower at chocolate hindi ko lang alam kung kanino niya ibibigay.
His name is Cedrick at kaChurchmate ko siya. Matagal na akong may gusto diyan kaso hindi ko pwedeng ipaalam kahit kanino. Bawal po kasing ang magjowa sa Church namin lalo na at mga bata pa kami.
Pagkarating ko sa labasan ay bigla siyang lumapit sa akin.
"Hi Arlyn!" Bati niya
At dahil hindi naman kami close nahihiya ako sa kanya kasi first time niya akong kinausap.
"Hello!" Bati ko.
Medyo nahihiya rin siya sa akin kasi nararamdaman ko iyon hihi!
"Arlyn, pwede ba akong manligaw?" Sabi niya habang nakayuko at nagkakamot ng ulo.
Ang gwapo niya talaga! Wait, what? Is he serious? Liligawan niya ako? Pero, hindi pa ako ready para dun! Tsaka bawal pa! Pagagalitan ako ng Nanay ko! Ano gagawin ko?
"Ah eh Cedrick? Seryoso ka ba sa sinabi mo? Hindi ka ba nabigla lang?" Tanong ko.
"Oo Arlyn I'm serious! Matagal ko nang tinatago ang lihim kong pagtingin sayo... kaya sana pagbigyan mo akong ligawan ka." Sabi niya sabay abot sa akin nung bouquet of flower at Chocolate.
Tatanggapin ko ba? Hindi ko kasi pwedeng iuwi sa bahay iyon kasi lagot ako nito sa Tatay ko.
"Ah eh pag-iisipan ko muna Cedrick ah? Sige bye!" Sabi ko sabay takbo palayo.
Alam kong nalungkot siya pero hindi niyo naman ako masisisi kasi alam niyo naman ang sitwasyon ko diba?
★end of flashback★
Pagkatapos ng mga nangyari ay hindi pa rin siya sumuko. Naglalagay siya ng love letter sa locker ko at kung ano pang panunuyo ang ginagawa niya.
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Word of God
None of these things move me; nor do I count my life dear to myself, so that I may finish my race with joy.
-Acts 20:24
To find the greatest joy in life, give your life to Christ.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...