VIA 12 My Heart As A Servant

543 82 7
                                    

Pakiplay po yung song sa gilid salamat! 

------------------------------>

Sa buhay, hindi importante kung mayaman ka o mahirap ka, kung pangit ka o maganda ka o gwapo ka. Ang tanging mahalaga ay mayroon kang isang Diyos na laging nasa tabi mo.

Lahat tayo ay pantay-pantay sa kanyang mga mata kaya huwag mong iisipin ang estado mo sa buhay.

Si God ay laging nandiyan at hinihintay niya ang pagtawag mo sa kanya. Lahat ng kailangan mo ay maibibigay niya.

Ang natatanging susi para makilala siya ay magbasa ng Biblia at tanggapin mo siya ng buong puso, buong kaluluwa. Siyang iyong gawing personal Savior. Papasukin mo siya sa iyong puso dahil lagi siyang kumakatok riyan. Nasa iyo ang desisyon kung papapasukin mo ba siya o hindi.

Hindi Religion ang pinag-uusapan dito Catholic ka man, Iglesia, Born Again o ano pa man, isa lang naman ang ating kinikilalang Diyos. It's all about Faith.

Sa kwentong ito, nakita natin kung paano ipinakita ni Arlyn ang paghahari ni God sa kanyang puso.

Nakilala natin si Arlyn na maraming problema ang kinaharap sa buhay ngunit lahat ng iyon ay napagtagumpayan niya through the help of our God.

Mahirap mawalan ng kaibigan lalo na kung close friends mo pa. Pero naging magkakaibigan sila ulit nang dahil sa kanilang natutunan sa EGR.

Naging matagumpay din siya kasi naovercome niya ang sakit dulot ng pag-ibig. Hindi tayo dapat nagmamadali na magboyfriend/girlfriend agad kasi tiyak na masasaktan lang tayo. There is a time for everything.

Yung Financial Problem na iyan, hindi natin dapat pinoproblema iyan kasi God will provide at tanging lahat ng blessings na narereceive natin ay galing sa kanya. Just call upon to him at tutugon siya sa atin.

Lahat tayo ay nagkakamali kaya sa bawat pagkakamali na ating nagawa ay dapat tayong humingi ng kapatawaran sa taong nasaktan natin pati kay God dapat tayong magsorry dahil maaari niya tayong linisin.

Ikaw, kung may nakaaway ka man na hindi mo pa napapatawad ay patawarin mo na dahil hindi ka rin mapapatawad ni God kung hindi mo kayang magpatawad.

Dapat nating gawin ang tama na kung saan ay mapaparangalan natin ang pangalan ni God na siyang lumikha sa atin. Iwasan natin ang mga maling gawain.

At bilang tagapaglingkod ng Panginoon, susundin ko ang lahat ng kanyang kautusan.

Walang sinuman ang makakahadlang sa akin sa paglilingkod sa ating Panginoon. Lahat ay gagawin ko, maparangalan lang ang kanyang pangalan cause.. 

I'm a Faithful Servant of the Living God.

★★★★★★★★

Elmo's Note:

Ito po ang katapusan ng kwento ni Arlyn Santos. I hope na marami kayong natutunan. At gamitin niyo po iyon sa inyong pang-araw-araw na buhay.

Next, may panibagong tauhan na naman kayong makikilala kaya stay tuned at abangan ang aking update!

Comment and Vote!

Word of God

Whatever you do, do it heartily, as to the Lord and not to men. 

-Colossians 3:23

God is looking for obedience, not just good intentions.

Copyright © risingservant 

All Rights Reserved 2014

Heart of a ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon