Pagkatapos naming MagEGR ay bigla ako nilapitan ni Cheska at ni Faye.
"Arlyn, pasensya ka na kung hindi ka namin pinapansin at kinakausap." -Cheska
"Oo nga Arlyn pataqarin mo kami. Alam naming hindi tama ang ginagawa namin sayo. Magkakapatid tayong lahat dto kaya dapat we united as one kaya patawarin mo sana kami." -Faye
Nagulat talaga ako kasi unexpected itong nangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwala na humihingi sila ng sorry kasi alam ko ay mataas ang pride ng dalawang ito noon pa man at ngayon ay sila pa ang nagpapakumbaba.. it's a miracle! Grabe, kakaiba talaga ang nagagawa ng salita ng Panginoon.
Hindi namin kasi ako galit sa kanila eh.. sa totoo nga niyan tuwing saturday at sunday kapag nasa Church kami ay binabati ko pa sila kaso lang hindi nila ako pinapansin.
Itinuro po kasi ng isang Pastor sa aming EGR na "Huwag tayong magtanim ng sama ng loob sa ating kapwa, kaya kung may kagalit ka man ngayon, o may taong galit sayo, matuto kang magpatawad. Learn to forgive then forget at huwag niyo ng babalikan ang nakaraan dahil makakaapekto lang ito sa inyo." Nang dahil sa katuruang iyan, naiyak talaga ako kasi unang pumasok sa isipan ko ang mga kaibigan ko na ewan ko ba kung bakit nagalit sa akin.
Gusto kong maibalik muli sa dati ang aming pagsasamahan kahit na magkaiba na kami ng Ministry, isa lang naman kami ng paniniwala.
Kaya yumuko ako sa kanila at bigla ko silamg niyakap ng nahigpit. Lumuhod kasi sila sa harapan ko kaya lumuhod na rin ako.
"Cheska, Faye, hindi naman ako galit sa inyo eh hindi ko lang maintindihan kung bakit kayo galit sa akin kaya ako dapat ang humingi sa inyo ng kapatawaran." Sabi ko habang umiuyak.. marahil epekto ito ng tears of joy..
"Kaya ka lang naman namin iniiwasan at hindi pinapansin kasi pumayag ka sa kagustuhan ng tatay mo na lumipat ng ibang ministry at iniwan kami." -Cheska
"Tsaka parang binalewala mo lang yung mga pinagsamahan nating buong TEAM kaya kami nagalit sayo." -Faye
"Hindi ko naman talaga gusto na lumipat ng ibang Ministry eh.. napilitan lang ako tsaka kahit kailan hindi ko kayo ipagpapalit. Tsaka, nasa isang Church lang tayo kaya dapat walang magbabago sa samahan natin kahit na magkakaiba pa man tayo ng Ministry." -Ako
Tapos ayun na, sumabog na kaming tatlo, hindi na namin napigilan ang aming mga emosyon at nagulat ako ng magsidatingan ang iba pang TEAM ay nakijoin sa amin. Naggroup hug kaming lahat.
After noon ay napatawad na ng isa't isa ang mga kasalanan nagawa namin kaya ngayon ay masaya na ulit kami.
Back to normal na!
Masaya ako kasi nagkaayos-ayos na kaming lahat. Wala ng problema.
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Forgiveness, patawarin po natin ang lahat ng nagkasala sa atin at huwag po tayong magtatanim ng sama ng loob. Kung si God nga at pinatawad ka sa mga kasalanan mo eh ikaw pa kaya... kaya learn to forgive then forget kahit na gaano pa kalaki ang kasalanan ng isang tao sayo.
Comment and Vote!
Salamat po!
Word of God
The manifestation of the Spirit is given to each one for the profit of all.
-1 Corinthians 12:7
A church can become a graveyard if its members bury their gifts.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...