Ayun na nga bale araw-araw ay naglalaro kami ng Volleyball doon sa may Court kasama ang Barkada.
Hindi ko pa nga siya ka-close at kakilala man lang kasi nahihiya akong kausapin siya at tanungin kuna ano ang pangalan niya. Ok na sa akin kahit hindi ko alam yung name niya atleast nakikita at nakakasama ko naman siya.
One time narinig kong tinawag siya sa pangalan niya nung pinsan niya. Pinsan pala siya ni Nel isa sa mga kabarkada ko at ang pangalan niya pala ay Rhea.
Syempre masaya ako ngayong alam ko na ang pangalan niya at hindi na lang Crush ang codename ko sa kanya. Siya yung babaeng masayahin, friendly, simple, at masarap kasama kaso nga lang hindi kami nag-uusap hehe..
Ganun lagi yung takbo ng buong maghapon ko. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay lagi kong iniisip na sana ay makita ko siya kahit sandali lang.
Mayroong time na kapag hindi ko siya nakikita ay nalulungkot ako at para bang hindi kumpleto ang araw kp tsaka siya lagi yung hinahanap-hanap nung utak ko.
Alam niyo ba minsan kapag nakikita ko siya na may ka-text o kaya ay katawagan sa kanyang phone ay mayroon akong kakaibang nararamdaman. Yung feeling na para akong nagseselos at gusto ko sa akin lang yung atensyon niya kaso wala akong karapatan kasi sino ba naman ako sa buhay niya diba?
Tapos minsan kapag nagkakasalubong kami ay tinitingnan ko siya at ganun din siya tinitingnan niya rin ako bale nakakasalubong kami ng tingin as in mata sa mata.
Diba kapag tumitingin ka sa isang tao tapos nagkatitigan kayo ng matagal ay parang may something sa inyo? Let say na Crush niyo yung isa't isa diba?
Tapos nalaman ko na may boyfriend na pala siya kaya medyo nawalan ako ng pag-asa sa kanya at nasabi ko sa sarili ko na "hanggang Crush na lang talaga."
Kahit na ganun pa man ang mangyari, everytime na nagkikita kami o nagkakasalubong sa daan ay tinitingnan namin ang isa't isa at nagkakatitigan pa kami.
Lumipas ang Christmas at malapit ng mag New Year. Ang alam ko after New Year ay babalik na siya sa kanilang lugar. Hindi ko nga alam kung ilang taon na siya, yung birthda niya, kung nag-aaral pa ba siya at kung anong year na siya basta wala akong ibang alam na impormasyon tungkol sa kanya tanging pangalan niya lang ang alam ko.
Ayoko naman kasing magtanong-tanong sa mga kabarkada ko o kaya sa pinsan niya kasi nga ayokong may nakakaalam kung sino yung Crush ko at ayoko rin nung tinutukso ako sa Crush ko kasi nga po naiilang ako.
Fast forward...
After New Year ay hindi pa naman siya agad umalis at hindi ko lang alam kung kailan siya babalik sa kanila.
Basta napag-alaman ko na lang nung bago magpasukan ay umalis na siya at hindi ko man lang siya nakita bago siya umalis. Noong umalis na siya ay talagang nalungkot ako sa bahay kasi iniisip ko pa rin siya.
Noong pasukan na ay siya pa rin yung iniisip ko kaya hindi ako makapagfocus sa aking pag-aaral. Minsan hindi ako nakikinig sa Prof ko yung utak ko kasi lumilipad may ibang iniisip kaya ayun haha XD
Tapos makalipas ang isang linggo ay nakamove-on na ako kay Crush kasi narealized ko na hindi ako dapat nalulungkot ng dahil sa kanya kasi maraming tao sa paligid ko ang nagmamahal sa akin at I need to focus on my studies.
Noong mga araw na iyon ay nakalimutan kong mayroon nga pala akong kaibigan diyan na laging nagpapasaya sa akin, yung family ko at si God.
Basta after nun ay kinalimutan ko na siya at nagfocus muna sa pag-aaral at baka bumaba pa ang aking grades ng dahil sa kanya.
Kaya in the end ay napag-isipan ko na iwasan muna yung mga Crush na iyan at may mainam kung...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Study First!
Kaya po kayo mag-aral muna bago lovelife! Haha XD
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa sa aking masusugid na readers maraming salamat po sa inyo.
Comment and Vote po!
Thank you!
Word of God
A merry heart makes a cheerful coutenance, but by sorrow of the Spirit is broken.
-Proverbs 15:13
If you have the joy of Christ in your heart, it will show on your face.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpirituellesAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...