Sa kabila ng sakit na aking nararamdaman ay dapat mamalagi ang pagiging masiyahin ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga nakikita ko.
Bakit ba lagi na lang akong nagkakaganito? Puro problema na lang ang dumadating. Noong una ay wala na akong masyadong kaibigan, pero ang pinagtataka ko ay bakit kaya nila ako nilalayuan? Wala naman akong ginawang masama sa kanila.
Tapos dumating pa ang problemang pangmaterial. Ang laki ng problema namin pagdating sa pinansyal. Oo tama kayo na dapat ay hindi ko ito pinoproblema pero miyembro rin ako ng pamilya kaya concern din ako.
At dahil na rin doon, namomroblema ako sa school at hindi pa ako bayad sa tuition fee at dahil doon, hindi ako makakuha ng exam. Graduating na ako ngayong taon at hindi ako papayag na hindi makatungtong sa entablado ng dahil lang hindi ako nakabayad sa tuition fee.
Ang mga material na bagay ay hindi naman natin dapat pinoproblema dahil kayang-kayang ibigay ni God basta tumawag ka lang.
Mayroon kaming tinatawag na FAMILY ALTAR na kung saan ay kaming pamilya ay sama-samang nananalangin tuwing gabi. Tapos kasabay na nito ang komunyon sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay na sinisimbulo ang katawan ni Cristo at ang grape juice naman na sumisimbulo sa dugo ni Cristo na kung saan ay nilinis tayo sa ating kasalanan.
Effective po ang FAMILY ALTAR kaya i-try niyo lalo na roon sa mga higit na nangangailangan.
Back to reality na nga!
At ngayon naman ay dumating ang love problem! I promise to my Father na hindi muna ako tatangkilik ng manliligaw at uunahin ko muna yung pag-aaral ko kaso iba na itong nararamdaman ko eh! Tinamaan na ako sa kanya! Yes, I love him na kaso huli na ang lahat at sa tingin ko ay wala na akong pag-asa sa kanya.
At dahil mas priority ko sa ngayon ay pag-aaral muna, I need to move-on! Kaso, hindi ito magiging madali para sa akin kasi fresh pa rin iyon dito oh *sabay turo sa may bandang puso* masakit! Para akong sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib sa tuwing nakikita ko silang dalawa.
Dahil bago lang ako sa langarangan ng pag-ibig at ngayon ay nabroken hearted na.. hindi ko pa alam kung paano magmomove-on..
Habang naglalakad ako sa may kalsada kahapon ay may natagpuan akong papel. At ang nakasulat...
2 ways para makamove-on ka kaagad
1. Spend your time with your family, friends etc.
2. Make yourself always busy so that hindi mo siya maiisip.
Ayan ang nakasulat doon sa may papel.
Totoo kaya ang mga nakasulat dito? Hindi naman masama kung susundin ko diba? Try lang naman :)
Kaya ngayon, susubukan kong sundin ang nakasulat sa papel. Good luck sa akin!
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Salamat sa patuloy na pagbabasa. I hope na nag-eenjoy ka at marami kang natututunan.
Comment and Vote po!
Salamat!
Word of God
We have the mind of Christ.
-1 Corinthians 2:16
To think and talk like Christ, you must walk with Christ.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...