Ang masasabi ko lang ay talagang nakamove-on na ako. Madali lang naman palang magmove-on basta gugustuhin mo. Pero kung hindi mo kakalimutan ang mga bagay at alaala na mayroon kayo, ay tiyak na mahihirapan ka nga.
Ngayon ang araw na kung saan ay magkakaroon kami ng isang retreat. Two days and one night kami doon sa aming pupuntahan. Hindi siya isang ordinaryong retreat dahil ang retreat na ito ang magpapalakas sa aming pananampalaya kay God. This retreat is called Encounter God Reatreat o EGR na kung saan ay maaari naming maka 1 on 1 si God.
Noong narinig ko iyon ay tila tuwang-tuwa ako kasi gustong-gusto ko talaga makaharap si God by means of his presence at tiyak na mas lalalim pa ang faith ko. Kaso nga lang, galit pa rin sa akin ang mga kaibigan ko..
Maaga ang call time namin sa aming Church, 6am dahil 8am ang start at mayroon kaming 30 minutes para bumiyahe at malamang Filipino time kaya tiyak na hindi eksaktong 6am darating ang mga tao pero dahil early bird ako, ako ang nauna sa Church! Hehe.. excited lang masyado haha :D
Pagkarating namin doon ay sinalubong kami ng co-Christian namin at kinamayan kami. Maganda ang lugar at ang sarap ng simoy ng hangin.
Pagkapasok namin sa loob ay in-announce na kung sino ang mga magkakagroup at kung sino ang kanilang magiging Spiritual Guide o SG.
Ang SG namin ay si Ate Celine na kaChurchmate ko kaya hindi na ako masyadong mahihiya sa kanya. Close naman kami kasi sa VIA rin siya nabibilang. Mga kagroup ko ay mula sa ibang Church tapos may kagroup din akong kaChurchmate ko sina Cheska at Faye na aking mga kaibigan dati. Yup, TEAM sila kaya nahihiya ako sa kanila diba nga galit sila sa akin.
Unang nagturo ay ang aming Pastor tapos medyo hindi ako makapagconsentrate kasi katabi ko sina Cheska at Faye. Medyo awkward eh..
Every breaktime ay nagkakaroon kami ng bonding moments ng mga kagroupo ko kwento rito kwento roon. Nagulat nga ako noong kinausap ako ni Cheska.
"Arlyn, gusto mong sumama sa amin? Bibili kasi kami ni Faye." -Cheska
"A-ah eh sige kayo na lang." Sabi ko na medyo nauutal pa.
Oo aaminin ko na natuwa ako kasi kahit papaano ay kinausap ako ni Cheska. Hindi na ba siya galit sa akin?
Kapag kakain kami ay magkakasama kaming magkakagroup. Tapos, nakikita ko si Faye at Cheska na masaya. Naalala ko tuloy yung mga pinagsamahan namin dati.
Tapos nung gabi ay nagkaroon kami ng party. Syempre ang mga kanta ay Christian Songs lang, bawal yung mga Worldy eh hehe..
Kinabukasan pagkagising ay nagkaroon kami ng Bible Study sa pangunguna ni Ate Celine tapos binigyan niya kami ng pagkakataon para magshare.
Noong bandang hapon bago kami maghiwa-hiwalay ay binigyan kami ng Spiritual Name ng aming SG.. ang napunta sa akin ay...
.
.
.
.
.
.
.
Faithful Servant!
I wonder kung bakit ito ang napunta sa akin. Alam niyo naman siguro ang ibig sabihin diba? Pero sige I explain why..
Sabi ni Ate Celine kung bakit Faithful Servant ang napunta sa akin ay kahit na ano man ang mangyari, malipat ka man ng ibang Ministry ay patuloy pa rin daw akong maglilingkod kay God.
Natuwa talaga ako dahil sa bago kong Spiritual Name..
Thank you Lord!
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa akin at sa aking mga story! Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko po ito marereach! My Mission here is to spread the word of God kaya po thanks sa mga nakakilala kay God! Thanks at na-appreciate niyo ang mga gawa ko.
Comment and Vote!
God Bless!
Word of God
Oh, give thanks to the Lord, for He is good! For His mercy endures forever.
-Psalm 136:1
God's heart is always overflowing with mercy.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...