TEAM 7 Dream

534 68 4
                                    

Interesting topic ang pag-uusapan natin ngayon...

Kung ang nakaraang topic natin ay about sa kaba, ngayon namin ay ang dream.. excited ka na ba? Ako rin eh! Kaya ituloy na natin...

Napaginipan mo na ba si Crush? Eh kakaibang panahinip kagaya ng para kang binabangungot? Eh ano nga ba ang ibig sabihin ng dream? At bakit nga ba tayo nananaginip? Gusto mo na bang malaman? Ok let's start..

Lahat tayong mga tao ay may kakayahan na managinip, ewan ko lang sa mga hayop pero sa pagkakatanda ko sa aming pinag-aralan na hindi kayang managinip ng isang hayop kasi yung level ng kanilang pag-iisip ay mababa lang hindi gaya nating mga tao na mataas na kung saan ay nag-iimagine pa tayo ng kung anu-ano.

Tayo kasing mga tao ay malilikot ang imahinasyon at dahil doon.. kaya tayo nakakapagsulat ng kung anu-anong story.

Sa ating pagtulog ay mayroon tayong iniisip na bagay o kaya naman tao. Sa ating pagtulog ay mayroong apat na stages na tinatawag.

Una, sa 1-3 hours mong pagtulog ay wala pang nangyayaring panaginip o let say na wala ka pang napapanaginipan.

Sa klase kasi ng ating napapaginipan ay depende po kung ano ang tumatakbo sa ating utak. Halimbawa po ay nanuod tayo ng nakakatakot tapos natulog agad tayo ng dahil sa takot, may possibility po na nakakatakot talaga yung ating mapapaginipan.

Pangalawa, 4-6 hours mong pagtulog dito ka na nagsisimulang managinip dahil ang ating isipan ay nagiging unconsious na. Bale feeling natin naglalakbay-diwa tayo.

Napapansin niyo ba minsan na kapag nananaginip kayo ay parang nararamdaman niyo talaga kung ano yung napapaginipan niyo? Tapos biglang papasok sa isip mo na dapat kang lumaban hehehe.. kaso nga lang laging bitin ang panaginip.

Eh si Crush napaginipan mo na ba? Para sa akin po ay hindi totoo yung kapag nilagay mo yung picture ni Crush sa ilalim ng unan mo ay mapapaginipan mo na siya.

Sabi sa amin ng guro namin na kapag napaginipan mo si Crush ay may posibility na magkaconnect ang inyong napaginipan at sabi ng guro namin na napapaginipan mo lang naman ang isang tao kapag iniisip mo siya.

Kapag naman napaginipan mo yung isang tao kahit hindi mo siya iniisip it means siya yung nag-iisip sayo sabi ng guro namin.

Totoo ba naman? Para sa akin oo totoo kasi naexperience ko na rin kasi iyon tsaka nakakatuwa lang kapag maski na sa panaginip ay nagkikita kayo ni Crush hehe..

Pangatlo, 7-9 hours ka ng natutulog. Dito pumapasok yung mga bangungot tsaka yung mga sleep disorders kagaya ng insomia, naglalakad ng tulog, nagsasalita ng tulog etc.

Sa stage na ito ay medyo nasosobrahan na tayo sa tulog at yung mga bangungot na iyan ay nagiging sanhi upang tayo'y mawalan ng hinihinga. Napapansin niyo ba kapag nananaginip kayo ng masama ay parang ang hirap huminga?

Yung insomia po ay hindi makatulog. Yung para bang mas gusto mong matulog sa umaga kaysa sa gabi. Kaya po dapat tayong mag-ingat.

Ang pinakamalala ay yung naglalakad ng tulog kasi may chance na mapahamak siya kapag lumabas ng bahay at talking while sleeping. Nagiging ganyan lang naman po ang isang tao kapag stress siya tsaka pagod kaya po kung pagod tayo at stress ay magpahinga muna bago matulog.

At ang ika-apat ay 10-12 hours. Eto naman po yung alam mong gising ka na kaso yung diwa mo ay naglalakbay pa rin. Masama po sa kalusugan ang nasosobrahan sa pagtulog dahil it may cause heart attack.

May tanong pa po ba kayo? Just comment it on the comment box thanks!

As a Christian kasi, ang paniniwala naman na through dreams ay may ipinapahiwatig si God sa atin na amimg tinatawag na vision.

Kapag kami ay nananaginip ng maganda at mabuti all about kay God o kaya naman eh sa Church, Ministry, sa Anniversary at sa kung ano pa man ay agad kaming nagyetestify o kaya naman ipinapaalam sa ibang kasama upang maipaalam sa kanila ang mabuting balita na dala ni God.

Ang sarap nga sa feeling kapag nakakita ka sa vision mo ng maganda.

Kapag hindi naman maganda ang aming napaginipan tungkol sa Church, Ministry etc. ay ipinapaalam kaagad namin ito sa kinauukulan upang maipagdasal na huwag iyon mangyari.

Ang sarap ng feeling na nabubuhay ka at naglilingkod kay God.

★★★★★★★★

Elmo's Note:

Ayan na nalalapit na po ang pagtatapos kaya po huwag kayong bibitiw at subaybayan ang susunod na mangyayari.

Comment then Vote! 

Salamat!

Word of God

Look to Me, and be saved, all you ends of the earth! For I am God, and there is no other. 

-Isaiah 45:22

Our only hope here below is help from God above.

Copyright © risingservant 

All Rigjts Reserved 2014

Heart of a ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon