This is the second story...
Heto na po yung umpisa kaya sana po magustuhan niyo. Salamat!
★★★★★★★★
Arlyn's POV
May practice kami ngayon sa Church para sa Service bukas. Medyo tinatamad ako kasi mas gusto ko sa TEAM kaysa dito sa VIA. Hindi ako masyadong nag-eenjoy dito sa VIA kasi karamihan ay mga kasama ko ay old age na kaya medyo OP ako. I'm Arlyn Santos, 16 year old and High School Student. Singer ako sa Church, minsan kapag Youth Service ay ako ang Worship Leader. Nagkaroon kasi ng problem kaya ako napunta dito sa VIA.
Ano itsura ko? They says na mataray daw ako at snob dahil sa mata ko. Sa totoo lang, ganun lang kasi talaga akong tumingin. Nagkulang sa tangkad, medyo maputi, kaso hindi kami nakakaanggat sa buhay.
Ang Father ko ay Catholic tapos yung Mother ko ay Catholic din tapos noong naging Born Again yung Lolo ko at isinama kami ay nagpaconvert na kami sa pagiging Born Again. Born Again na ako since birth.
Proud ako at ipinagmamalaki ko na Born Again Christian ako. Lahat tayo ay mayroong iba't ibang Relihiyon at paniniwala ngunit isa lang naman ang Diyos na ating pinaniniwalaan. Hindi ka maliligtas ng Religion mo kundi ang Faith mo sa Panginoon.
"Arlyn, nagiging sintunado ka tapos parang hindi mo pa kabisado yung lyrics ng kanta kaya kabisaduhin mo ok?" Sabi ni Ate Cess yung head namin 30+ na yung age niya. Hindi ko nasabi sa inyo na back-up nga pala ako hehe...
"Sorry po Ate Cess, hindi po kasi ako pamilyar sa song kaya po medyo nakakalimutan ko po yung tono at nakalimutan ko yung lyrics." Sabi ko.
"Sige pag-aralan mo na lang para hindi ka mamental block bukas." Sabi niya.
"Ok po, huwag po kayong mag-alala at pag-aaralan ko. Ayoko rin naman pong mapahiya bukas eh." Sabi ko.
Ako ay nabibilang sa VIA Ministry na ang ibig sabihin ay Voice In Adoracion. Dito sa Ministry na ito ay nakabilang ang lahat nung mga Kumakanta.
Nag-eenjoy naman ako dito sa VIA kaso mas masaya ako sa TEAM na kung saan ay open ako sa lahat pati na rin ang mga KKB o Kristiyanong Kabataan para sa Bayan. Ang KKB ay ang Ministry ng lahat ng mga Youth sa aming Church. Halos lahat kami ay magkakaclose at masaya kami lalo na kapag may Bonding kami at kung ano pa mang Activities.
Every Saturday ay nandito kami sa Church para magpractice. Hindi naman ako nabobored dito kasi kapag free time namin ay may ginagawa kami kwentuhan dito, kwentuhan doon tapos minsan foodtrip kukuha kami ng Mangga sa Puno at tsaka namin kakainin tapos naglalaro rin kami na parang mga bata.
Ang buhay ng Kristiyano ay masayang tunay. :)
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Ano po ang masasabi niyo? Comment po and Vote salamat po!
Word of God
Who among us shall dwell with devouring fire?
-Isaiah 33:14
God's holiness reveals what is good by consuming what is evil.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...