VIA 3 Problema

726 82 10
                                    

Sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan ay hindi ko maiwasang maiyak kasi noon ang dami kong kaibigan ngunit ngayon ay tila parang bula silang nawala.

Alam niyo ba yung feeling na parang ang sama mong tao kasi nilalayuan ka nila. Hindi ko naman gustong talikuran ang nakagisnan kong Ministry eh. Sa totoo nga niyan, kahit nasa VIA na ako, hindi ko pa rin nakakalimutan ang PagigingTEAM.

Kung pwede ko lang sanang maibalik yung nakalipas na eh ipaglalaban ko kay Tatay ang kagustuhan kong magstay kaysa magpalit ng Ministry. Ewan ko ba kung bakit ganun si Tatay, lahat ng gusto niya ay dapat naming sundin.

Oo may karapatan akong ipagtanggol o ipaglaban ang kagustuhan ko kaso nakasaad sa biblia na "Obey your Parents" kaya kailangan ko pa ring sundin ang kagustuhan nila.

Napakadami kong problemang kinakaharap ngayon, kung alam niyo lang, hindi lang sa Ministry ang problema ko kasi maski sa Pamilya ay may problema kami.

Nasabi ko naman sa inyo diba na hindi kami mayaman at mahirap lang kami. Nakakakain naman kami tatlong beses sa isang araw kaso bitin pa rin ang pera namin.

Mayroon akong tatlong kapatid si Kuya CJ yung panganay namin, si Kuya George yung pangalawa at yung nakaaway ng head namin, tapos si Nico yung bunso. Ibig sabihin ako ay pangatlo at nag-iisang babae kaya ganun na lang si Tatay pagdating sa akin.

Kagaya nga ng sinabi ko, may isa pa akong problema. Ito ay kadalasang problemang kinakaharap ng lahat. Ang problema ko ay Financial Problem. Kasi hindi pa nakakapagbayad si Nanay sa school ng aking tuition feekaya ngayon ay hindi ako maaaring magtake ng exam.

Oo ang hirap talagang kalabanin ang kawalan ng pera pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong "God will provide". Siya lang ang maaaring makatulong sa atin kaya nga sa kanya ako lumalapit kasi alam kong hindi niya ako pababayaan.

At isa pa, naniniwala ako na sasagutin ni God ang kahilingan ko. Maaaring may ibang tao siyang gamitin bilang instrumento upang matulungan ako at ang Pamilya ko. Kaya kayo, don't lose hope.

Sa ngayon, I need to wait to the blessings that God will pour upon us. Maraming blessings ang inihanda sa bawat isa si God kaya hintayin mo lang ito at huwag magmadali kasi mayroong unexpected blessings na darating sayo.

★★★★★★★★

Elmo's Note:

Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa story kong ito. Salamat at hindi kayo nagsasawang basahin ito. I hope na marami kayong natututunan.

Comment and Vote po! 

God Bless!

Word of God

Having then gifts differing according to the grace that is given to us, let us use them. 

-Romans 12:6

Many people make a grave mistake by burying their gifts.

Copyright © risingservant 

All Rights Reserved 2014

Heart of a ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon