Sa bawat istoryang nakapaloob dito ay nakakilala kayo ng tatlong taong may magkakaibang karanasan. I hope na marami kayong natutunan.
Sa unang story ay nakilala natin si Jeron Lim na nagmula sa JAM MINISTRY at hindi niya ineexpect na mali pala yung pagkakakilala niya doon sa girl.
May pagkakamali siyang nagawa dahil nakiayon siya sa Deal ng kanyang kaibigan. Dapat kung alam mong mali ay hindi mo na dapat pang gawin pa. Matanda ka na! Alam mo na kung ano ang tama at maling gawain.
Tayong mga lalaki ay hindi dapat basta-basta na lang kapag nanliligaw dapat ay hinihintay iyan at ipinagdarasal sa Diyos para malaman natin kung siya na ba ang kaloob sayo o hindi.
Sa mga babae naman, dapat maging mapili kayo sa mga ieentertain niyong mga lalaki tsaka dapat hindi basta-bastang nagpapaligaw lang. Maging mabusisi. At kung nag-aaral ka pa ngayon, study first muna huwag munang magboyfriend dahil maaaring mahadlangan nito ang iyong pag-aaral.
Pwede mo rin namang pagsabayin basta gawin mong inspirasyon at dapat alam ng parents mo na may boyfriend ka.
Obey our parents po!
Kung ayaw pa nilang mag gf/bf tayo ay sundin natin sila. Huwag tayong basta-bastang makiayon sa mundong isa kasi nothing is permanent here on earth.
Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay pumapasok sa isang relasyon para maging in kagaya ng masabing may bf/gf na kadalasan ay ginagawa lang libangan. At dahil dito, hindi natin maiwasan ang temptation na dala ng kaaway kaya marami sa mga kabataan ngayon ay nabubuntis ng maaga tapos hindi naman pinapanagutan. Ang hirap kaya nun diba? Tapos kapag ayaw ipaalam sa magulang na buntis sila ay ipapalaglag pa ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Oh diba? Pati bata na walang muwang sa mundo ay napahamak ng dahil sa mali mong desisyon!
My point here is dapat ay pag-isipan nating mabuti kung tama ba ang ating gagawin at may maidudulot ba itong mabuti. Huwag tayong magpadalos-dalos sa pagdedesisyon!
Sana ay marami kang natutunan sa unang bahagi ng kwento ito kaya ngayon ay dumako naman tayo sa ikalawang bahagi ng istoryang ito.
Sa ating ikalawang storya ay nakilala natin si Arlyn Santos na mula sa VIA MINISTRY at marami siyang kinaharap na problema sa buhay na kanyang napagtagumpayan.
Ang una ay tungkol sa kanyang mga kaibigan na bigla na lang siyang iniwasan simula nung lumipat siya ng ibang Ministry.
Malamang nagkaroon siya ng hinanakit dito pero nang dahil sa ENCOUNTER GOD RETREAT ay natuto siyang magpatawad at naibalik nila ang dating samahan na mayroon sila.
Ang Kaibigan ang pinakatreasurable at hinding-hindi mabibili ng pera. Masarap magkaroon ng maraming kaibigan kaso nga lang mahirap mamili kung kanino ka sasama kapag sabay silang nagpapasama sayo. At syempre, mahirap ding mawalan at walang kaibigan. If you were a loner at if you think na wala kang kaibigan nagkakamali ka kasi nandyan si God sa tabi mo na pwede mong maging kaibigan. He is always beside you kaya sa tuwing kailangan mo siya, just call unto him.
Pangalawa naman ay ang FINANCIAL PROBLEM. Lahat tayong mga tao ay kumakaharap lagi sa ganitong sitwasyon. Pero huwag naman na darating ka sa point na gagawa ka ng masama para lang makakain o kaya makabayad sa utang. God is the great provider! He can provide all your needs!
Jeremiah 33:3 says,
"Call unto me and I will answer you and show you great and mighty things you do not know."
Kaya po tandaan niyo lang po ang verse na ito at tiyak na mapapanatag na ang inyong loob.
At ang huli ay Love Problem. Hindi naman kasi tayo dapat magdali lalo na pagdating sa pag-ibig. Move-on na lang po tayo through the help of God and nandyan naman ang ating mga kaibigan at family kaya hindi natin ito dapat kinikimkim sa ating sarili.
At ang huling character na ating nakilala ay si Justin Reyes na isang tamad at through faith, nagbalik na siya sa dati niyang ugali.
Ang pagiging tamad ay mahirap iwasan pero kung gugustuhin mong mawala ito at magbago ay makakaya mo.
Ang pagiging unfriendly ay ok lang naman basta wala kang taong nasasaktan. Nasa tao naman iyan eh basta tama ang klase ng kaibigan na pipiliin mo.
At huli, huwag na huwag tayong mawawalan ng Faith kay God. Malaki ang nagagawa ng pananampalata sa isang tao. Kaya po mas maganda kung mas magiging mas malalim pa po ang Faith natin kay God.
Sa mga nakilala niyong character ay ilan lang sila sa mga nakakilala kay God. Kaya dapat we must believe in him.
Heart of a Servant...
is now signing off...
★★★★★★★★
Word of God
Be doers of the Word, and not hearers only, deceiving yourselves.
-James 1:22
When you open your Bible, ask the Author to open your heart.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
EspiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...