Sa pagkakataong ito, gusto ko talagang makalimutan na si Cedrick. Mahirap pala kapag Mahal mo yung isang tao kaso mayroon na siyang ibang Mahal. Ngayon ay naiintindihan ko na yung mga taong bitter sa pag-ibig.
Bakit nga ba pabata nang pabata ang mga taong naiinlove. Mayroin nga akong kakilala yung pamangkin ko, anim na taong gulang pa lang eh may crush na daw siya at ayun ay yung kalaro niya.
I wonder why na kahit na mga musmos pang mga bata ay natututo na sa mga ganun marahil ay nakikita nila sa aming mga nakakatanda. Alam niyo naman ang mga bata ay ginagaya kung ano ang nakikita nila kaya siguro nila nasasabi iyon.
Ibang-iba na talaga ang mundo ngayon noh? Marami na ang nagbago. Kaya dapat lang na magising sa katotohanan ang mga tao ngayon.
Basta ako, susundan ko ang yapak ni Maria Clara. Magpapakadalagang Pilipina ako at hinding-hindi ako gagaya sa mga kababaihan ngayon na tila ba kakaiba na.
Kung napapansin niyo lang ang noon sa ngayon talagang kakaiba. Pag-uusapan natin ngayon ay patungkol sa mga kababaihan lang..
Noon..
Ang mga babae ay nagsusuot ng mahahabang damit at paldang lagpas paa. Kasi dati, kapag nakita ng isang lalaki ang talampakan ng isang babae ay ipapakasal na sila kaagad. Ganun dati.
Ngayon..
Akala mo ay kinapos sa tela ang kanilang mga suot kaya naman madalas sila nababastos sa daan.
Noon..
Mga pakipot at talagang nasa loob lang ng tahanan lalo na sa gabi.
Ngayon..
Kahit hating-gabi na ay makikita mo pa rin sa labas ay mayroong kasamang iba.
Hindi ko po sinasabi na lang ng babae ay ganyan pero karamihan po ay ganun na. Ako po kasi as a Christian ay tinuturuan ako at dinidisiplina ng aking mga magulang at talagang ginagabayan nila ako. Pero dahil na rin busy ang ibang mga magulang ay hindi nila nagagabayan ang kanilang mga anak kaya sila nagkakaganun.
I hope na someday ay maraming kabataan at mga tao ang makakilala kay God upang magising sila sa katotohanan. Alam naman natin na ang "Kabataan ang pag-asa ng Bayan" ayon kay Dr. Jose Rizal kaya mas maganda na maraming kabataan ang makakilala kay God.
Ok, balik tayo doon sa napulot kong papel na may nakasulat na...
2 ways para makamove-on ka kaagad
1. Spend your time with your family, friends etc.
2. Make yourself always busy so that hindi mo siya maiisip.
Yung unang nakasulat ay sinunod ko at tama nga naman ang nakalagay kasi noong heart broken ako ay lagi na lang si Cedrick ang laman ng aking isipan at hindi ko naalala na may iba pa nga palang tao na nandyan para sa akin.
I spend my free time to my family. Pagkagaling sa eskwela ay nakikihalubilo ako sa kanila kwento rito then kwento doon. Masaya ang pamilya ko kahit na strict si Tatay, kwela naman itong kapag magkakasama kaming lahat kaya nakakalimutan ko ang problema ko.
I spend my time with my classmates and friends and also doon sa church tuwing sabado. And as a servant of God ay kumakanta ako para sa kanya. Praise then Worship him at talagang mararamdaman mo ang presence niya lalo na ang kanyang pagcomfort sa akin.
Tapos yung nakasulat sa number two na gawin mong busy ang sarili mo. Natutiwa ako kasi It Works! Nakakalimutan ko na si Cedrick syempre hindi agad-agad kundi unti-unti. Hindi siya ang right person para sa akin kaya alam kong may darating pa na mas desrving sa pagmamahal ko.
Bago tayo isinilang sa munding ito, God already planned everything tungkol sa atin kung sino ang magiging magulang natin at kapamilya. May reason si God kung bakit tayo nandito sa mundong ito.
★★★★★★★★
Elmo's Note:
I hope na nagustuhan niyo po ang story na ito. Sa mga new readers, salamat po sa inyo at tinatangkilik niyo ito.
Salamat po sa lahat!
Comment and Vote!
Word of God
A man is justified by faith apart from the deeds of the law.
-Romans 3:28
Salvation is a gift, not a paycheck.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...