Pakiplay po yung song sa gilid salamat!
---------------------------------->
Sa buhay, hindi importante kung mayaman ka o mahirap ka, kung pangit ka o maganda ka o gwapo ka. Ang tanging mahalaga ay mayroon kang isang Diyos na laging nasa tabi mo.
Lahat tayo ay pantay-pantay sa kanyang mga mata kaya huwag mong iisipin ang estado mo sa buhay.
Si God ay laging nandiyan at hinihintay niya ang pagtawag mo sa kanya. Lahat ng kailangan mo ay maibibigay niya.
Ang natatanging susi para makilala siya ay magbasa ng Biblia at tanggapin mo siya ng buong puso, buong kaluluwa. Siyang iyong gawing personal Savior. Papasukin mo siya sa iyong puso dahil lagi siyang kumakatok riyan. Nasa iyo ang desisyon kung papapasukin mo ba siya o hindi.
Hindi Religion ang pinag-uusapan dito Catholic ka man, Iglesia, Born Again o ano pa man, isa lang naman ang ating kinikilalang Diyos. It's all about Faith.
Sa kwentong ito, nakita natin kung paano ipinakita ni Justin ang paghahari ni God sa kanyang puso.
Nakilala natin si Justin na tamad, hindi friendly, nerbyoso, tapos nagkaproblema sa school at sa Crush na iyan.
Kagaya nga ng sinabi ko, dapat nating iwasan ang katamaran dahil marami itong dala-dalang temptasyon sa atin lalo na sa mga students diyan! Study hard!
Naging matagumpay din siya kasi naovercome niya ang sakit dulot ni Crush. Hindi tayo dapat nagmamadali na magboyfriend/girlfriend agad kasi tiyak na masasaktan lang tayo. There is a time for everything.
Yung Financial Problem na iyan, hindi natin dapat pinoproblema iyan kasi God will provide at tanging lahat ng blessings na narereceive natin ay galing sa kanya. Just call upon to him at tutugon siya sa atin.
Lahat tayo ay nagkakamali kaya sa bawat pagkakamali na ating nagawa ay dapat tayong humingi ng kapatawaran sa taong nasaktan natin pati kay God dapat tayong magsorry dahil maaari niya tayong linisin.
Ikaw, kung may nakaaway ka man na hindi mo pa napapatawad ay patawarin mo na dahil hindi ka rin mapapatawad ni God kung hindi mo kayang magpatawad.
Dapat nating gawin ang tama na kung saan ay mapaparangalan natin ang pangalan ni God na siyang lumikha sa atin. Iwasan natin ang mga maling gawain.
At bilang tagapaglingkod ng Panginoon, susundin ko ang lahat ng kanyang kautusan.
We must walk by Faith and not by sight.
Walang sinuman ang makakahadlang sa akin sa paglilingkod sa ating Panginoon. Lahat ay gagawin ko, maparangalan lang ang kanyang pangalan cause..
.
.
.
.
.
.
.
.
I am Christ's Ambassador.
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Ito po ang katapusan ng kwento ni Justin Reyes. I hope na marami kayong natutunan. At gamitin niyo po iyon sa inyong pang-araw-araw na buhay.
Next, finale na po :))
Comment and Vote!
Word of God
If you bite and devour one another, beware lest you be consumed by one another!
-Galatians 5:15
When you lash out at others, you're sure to hurt yourself.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
EspiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...