Ang masasabi ko lang ay talagang nagbalik na ako sa dati. Pero kung hindi mo kakalimutan ang mga bagay-bagay, ay tiyak na mahihirapan ka nga. Kakaiba talaga ang nagagawa ng Faith.
Ngayon ang araw na kung saan ay magkakaroon kami ng isang retreat. Two days and one night kami doon sa aming pupuntahan. Hindi siya isang ordinaryong retreat dahil ang retreat na ito ang magpapalakas sa aming pananampalaya kay God. This retreat is called Encounter God Reatreat o EGR na kung saan ay maaari naming maka 1 on 1 si God.
Noong narinig ko iyon ay tila tuwang-tuwa ako kasi gustong-gusto ko talaga makaharap si God by means of his presence at tiyak na mas lalalim pa ang faith ko. Kaso nga lang, galit pa rin sa akin ang mga kaibigan ko..
Maaga ang call time namin sa aming Church, 6am dahil 8am ang start at mayroon kaming 30 minutes para bumiyahe at malamang Filipino time kaya tiyak na hindi eksaktong 6am darating ang mga tao pero dahil early bird ako, ako ang nauna sa Church! Hehe.. excited lang masyado haha :D
Pagkarating namin doon ay sinalubong kami ng co-Christian namin at kinamayan kami. Maganda ang lugar at ang sarap ng simoy ng hangin.
Pagkapasok namin sa loob ay in-announce na kung sino ang mga magkakagroup at kung sino ang kanilang magiging Spiritual Guide o SG.
Ang SG namin ay si Kuya Tim na galing sa ibang Church kaya kailangan kong makisama sa iba. Mga kagroup ko ay mula sa ibang Church tapos may kagroup din akong ka-Churchmate ko si Rick na bago lang at hindi ko pa siya ka-close kaya tiyak na mahihirapan akong makisama nito haha.
Unang nagturo ay ang aming Pastor tapos medyo hindi ako makapagconsentrate kasi naman po ay medyo OP ako sa mga katabi ko. Sila close na ako hindi ko man lang sila magawang kausapin.
Every breaktime ay nagkakaroon kami ng bonding moments ng mga kagroupo ko kwento rito kwento roon. Medyo kinakausap ko naman na sila.
Kapag kakain kami ay magkakasama kaming magkakagroup. Tapos, nakikita ko silang masasaya at nagtatawanan pa. Ang hirap kasi ng mahiyain at hindi friendly.
Tapos nung gabi ay nagkaroon kami ng party. Syempre ang mga kanta ay Christian Songs lang, bawal yung mga Worldy eh hehe..
Kinabukasan pagkagising ay nagkaroon kami ng Bible Study sa pangunguna ni Kuya Tim tapos binigyan niya kami ng pagkakataon para magshare.
Noong bandang hapon bago kami maghiwa-hiwalay ay binigyan kami ng Spiritual Name ng aming SG.. ang napunta sa akin ay...
.
.
.
.
.
.
.
.
Christ's Ambassador!
Nagulat ako na natuwa kasi hindi ko alam yung meaning nung Ambassador pero maganda ang dating nito sa akin.
Sabi ni Kuya Tim kung bakit Christ's Ambassador ang napunta sa akin ay ako daw ang representative ni God dito sa lupa para maihayag at maishare sa ibang tao ang kanyang salita.
Natuwa talaga ako dahil sa bago kong Spiritual Name..
Walang mapaglagyan ang tuwa na iyon dito sa puso ko na para bang gusto kong i-broadcast sa lahat ang SN ko hehe..
Thank you Lord!
★★★★★★★★
Elmo's Note:
Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa akin at sa aking mga story! Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko po ito marereach! My Mission here is to spread the word of God kaya po thanks sa mga nakakilala kay God! Thanks at na-appreciate niyo ang mga gawa ko.
Comment and Vote!
God Bless!
Word of God
We are therefore Christ's ambassadors, as though God were making his appeal through us. We implore you on Christ's behalf: Be reconciled to God.
-2 Corinthians 5:20
As an ambassador, we must spread the Word of God.
Copyright © risingservant
All Rights Reserved 2014
BINABASA MO ANG
Heart of a Servant
SpiritualAng Kwentong ito ay tungkol sa tatlong taong naglilingkod sa Panginoon. Ang unang character ay isang Musician, siya ang tumutugtog tuwing service kaya niyang magdrum, maggitara at magpiano pero Guitarist talaga siya sa Church. Ang sumunod naman ay...