Part 6: Flashback

97 5 0
                                    

If loving someone is a crime? I'm willing to be a criminal. -Samantha Reign.

 -Samantha Reign

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sofia's POV:

"Hindi naman kita iiwan..." Mahina kong sabi habang yakap pa din niya 'ko.

"Ayoko ng maiwanan ulit. Ayoko na."

     Napatigil ako nang maramdaman kong umiiyak siya. Bakit umiiyak si Kaiden? Ano bang iniisip niya?

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Paulit-ulit na lang niyang pinapaalala na iniwan niya 'ko. Ayoko na." Sagot niya.

"S-sino?"

"Si Samantha."

"Tumahan ka na. Nakalipas na 'yun. Wala ng mang-iiwan sayo, okay? Sshh." I said while stroking his back.

"Don't leave. Just stay with me." He answered.

     Ilang sandali pa ng katahimikan ang bumalot sa amin habang magkayakap pa rin. Bigla siyang kumalas sa yakap at tumitig sa mga mata ko.

"I'm sorry." Sabi niya at yumuko.

"Okay lang. Pwede mong ilabas ang sakit ng loob mo sa'kin kahit kailan mo gusto."

"Hm. Tara na?"

     Inalalayan niya 'kong tumayo at lumabas na nga kami. Umupo ako agad sa kama at siya naman ay naupo sa upuan sa may gilid ng kama ko. I wonder kung ano ang napanaginipan niya.

 I wonder kung ano ang napanaginipan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaiden's POV:

- Flashback -

"I'm trying to call and text her pero hindi siya sumasagot. Shit, baka kung ano na palang nangyari sa girlfriend ko!" Inis na inis kong sabi sa apat.

     Kanina pa sila mukhang balisa. Dati hindi naman sila ganito. Ano kayang mga nangyayari sa mga mokong na 'to?

"Kanina pa kayo hindi nagsasalita." Sabi ko sa kanila at nagtinginan naman sila.

"Pare... ano kasi..." Panimula ni Justine.

"May alam ba kayo kung nasaan si Samantha at kung bakit di siya sumasagot sa mga tawag ko?" Seryoso kong tanong at naupo sa harapan nila.

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon