Kaiden's POV:
Nagdaan ang mga araw at nakalabas na din kami ng hospital ni Sofia. Sa ngayon ay may lakas na ako para makabalik sa trabaho. Si Vanna naman ay hindi pa ako masyadong kinakausap, medyo nagtatampo pa rin sa akin hanggang ngayon, pero sinusuyo ko naman siya bilang kapatid niya.
Maayos na din ang lagay ni Dad. Sa katunayan, pwede na din siyang makalabas bukas. Oo, nauna pa kaming ma-discharge sa kanya. Mas malala kasi ang nangyari sa kanya kesa sa natamo namin ni Sofia.
Kami naman ni Sofia ay makakabawi na rin sa kabila ng mga araw na nagdaan sa aming dalawa. Malapit na siyang umalis. Apat na araw na lang.
"Vanna, papasok na sa trabaho si Kuya. Magpakabait ka." Ginulo ko ang buhok niya habang nakahiga siya sa kama niya. Nakatalikod siya sa akin.
"Ingat ka na lang." Pabulong niyang sabi.
"Sana pagkabalik ko mamaya sa bahay okay na tayo. Nalukungkot si Kuya dahil hindi pa rin tayo bati." Sabi ko sa kanya.
"Umalis ka na po. Baka ma-late ka sa trabaho."
"Sige na nga. Kumain ka dito sa bahay ah? At huwag ka ng malungkot. Babawi na lang si Kuya sayo. I love you, Van." Sabi ko saka hinalikan ang gilid ng ulo niya.
Medyo malungkot akong lumabas sa kwarto niya pero hindi ko uumpisahan ang araw ko sa ganung estado. Iisipin ko na lang na magiging okay din kaming magkapatid.
"Manang, Kuya Baste, kayo na po muna ang bahala sa kapatid ko at kay Daddy sa ospital. May security na rin naman po around the house kaya wala na kayong dapat na ipag-alala."
"Huwag kang masyadong magpagod, bata ka. Bagong opera ka." Paalala ni Manang.
"Opo, Manang. Susundin ko po 'yan. Ingat po kayo ha."
"Mag-iingat ka rin."
Lumabas na ako ng bahay at pumunta na ng garage. Pinaandar ko agad iyon pagkalabas ko ng gate. Napatingin ako sa relo ko at medyo male-late yata ako. Marami na kasing trabaho ang natambak dahil sa absences ko.
*Ring ring*
"Hello, Sofie. Good morning." Sagot ko sa tawag niya.
"Good morning din, Kaid. Pupunta po akong camp ngayon for reporting and training. Baka madaling araw na akong makauwi sa bahay. I'll call you when I'm free."
"Sure. Medyo marami din akong gagawin today, don't worry. I'll wait for your call. I miss you so much."
"I miss you too. Nasaan ka na ngayon?"
"On my way to the hospital now."
"I see. Good luck to your work today."
"Good luck din sa training mo. Di ko masabing huwag magpagod dahil alam kong mapapagod ka talaga. Basta ingat na lang ha. Kakatapos mo lang din maoperahan." Paalala ko.
"Yes, Doc." Ramdam ko ang pag-ngiti niya sa kabilang linya. "Osige na. I'll hang up now. Take care, Kaid."
"Thank you, my Sofia. I love you." I said and ended the call.
Pagkadating ko ng hospital ay nag-park agad ako at dumiretso na sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ko ay may naghihintay na pala sa akin.
"M-Mom." I said and placed my bag on my desk.
"Kaid, anak..." She said and hugged me, "Salamat naman at okay ka na."
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko pagkalas niya ng yakap sa akin. "Nag-abala pa kayo. Upo po kayo."
"S-Salamat, kukumustahin lang sana kita, anak. Nabalitaan ko kasing nakalabas ka na at magtatrabaho ka na." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomanceAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.