...but still I left, making myself believe that it's for the best.
Kaiden's POV:
Nag-aayos na ako para sunduin si Sofia sa bahay niya. Nag-prepare na ako kahapon para sa date namin ngayon. Gusto ko kasing mag-date kami para kahit papaano, e matikman naman niyang babae siya habang hindi pa siya umaalis.
"Son, saan ka pupunta?" Napatingin ako sa labas ng pintuan ng kwarto at nakita ko si Dad.
"Dad, good morning. Pupuntahan ko po si Sofia. Lalabas po kasi kami. Bakit niyo po naitanong dad?"
"Ah, nakita kasi kitang nag-aayos. Saan kayo pupunta?"
"That's a secret, dad. I will surprise her." I said and smiled.
"Binata ka na nga talaga."
He tapped my shoulder and whispered something pero hindi ko na narinig. He looked disappointed and ngayon lang niya ako tinanong ng ganyan. Masyado naman ata siyang interesado sa amin ni Sofie. After kong mag-ayos ay bumaba na ako para magpaalam kay Vanna.
"Good morning, Kuya!"
"Good morning, Van. Nag-aaral ka na ng ganito kaaga?"
"Yeah, I have to read my notes. Masyadong maraming quizzes this coming week."
"Goodluck to your exams. If you need my help, just call me okay? Pero may date kami ni Ate Sofie mo ngayon."
"Talaga? Wow naman. Take care and enjoy, Kuya." Ginulo ko ang buhok niya sa sinabi niya.
"Thank you. Enjoy your reading too. Ibibili na lang kita ng pasalubong."
"Sige kuya! Thank you!" She kissed my cheeks.
"Osige na. I have to go. Kumain ka ha? Be good."
"Okay, Kuya. Ingat!"
Pagkalabas ko ng bahay ay sumakay na ako sa kotse ko para mapuntahan na si Sofia pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay nakita ko si Dad sa bintana. Matalim ang tingin at hindi mapakali.
Sofia's POV:
Nagising ako sa sikat ng araw na tutok na tutok sa mukha ko. Pagbangon ko, bumaba na agad ako para makapaghilamos at makapaghanda ng agahan. Habang nagsisipilyo ako ay may kumatok kaya pumunta agad ako sa pinto at pinagbuksan.
"Good morning, Sofie!"
Muntik ko ng malunok ang bula sa bibig ko nang tumambad sa akin si Kaiden na may dalang bouquet at nakangiti ng malapad sa akin. Sa gulat ko, e tumakbo ako agad sa banyo para makapaghilamos man lang at mahugasan ang bibig ko.
"Bakit napaaga ka?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang bibig ko.
"Miss na kasi kita. At may date kasi tayo ngayon."
"Date? Bakit wala akong alam diyan?"
"Surprise po kasi."
"Hindi pa ako naliligo e."
"I know. I can wait."
"Hala. Ang tagal kong maligo e. Mag-aayos pa ako." Sabi ko.
"It's okay. I want to do this, okay?"
"Teka, nag-almusal ka na ba?" Tanong ko
"Not yet. But I'm good."
"Bago ako maligo, kumain na muna tayo. Magluluto lang ako sandali sa kusina. Teka lang ha."
"Okay! Gusto ko 'yan. Ipagluto mo ako bago tayo umalis."
"Sige."
Pumunta ako sa kusina saka binuksan ang ref. May tocino, bacon, at itlog naman pala. Iyon na lang ang lulutuin ko.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomansAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.