Chapter 20: 14 of 15 Days

54 5 1
                                    

I want what I want when I want it.

Kaiden's POV:

      Nakangiti akong naglalakad sa hallway ng ospital ngayon habang pinagmamasdan ang singsing ko. Napapakagat-labi na lang ako para pigilan ang kilig dahil sa nangyari kagabi. Mukha na siguro akong timang ngayon kung makikita ng iba.

"Good morning, Dr. Vallejos."

"Oh, Dr. Guzman. Kumusta? Good morning." Bati ko rin sa kanya.

"Ayos naman. Nakakapanibago na nakita kita maski nasa iisang ospital lang tayo. Sa sobrang laki kasi nito maski empleyado dito hindi na nagkakasalubong, ano."

"Tama ka. Buti nga't nagkita tayo ngayon. Saan ang punta mo ngayon?" Tanong ko.

"Ah, pupuntahan ko lang iyong isang pasyente ko. Nga pala, hindi ako nakadalo noong pumunta dito 'yung daughter ng CEO natin. Balita ko dito na daw siya magtatrabaho ah."

"Wala akong narinig tungkol doon, Doc."

"Recommended heart surgeon siya at dito niya daw gustong magtrabaho, para matulungan na din yata ang paglago ng service dito sa hospital nila." Dagdag pa niya. "Hindi na talaga mahihirapan sa pagpasok 'yon dito dahil sila ang may-ari ng ospital na ito."

"I see. Sa iyo ko lang narinig ang news na 'yan kaya nagulat ako." Sagot ko na lang at ngumiti.

"Osiya, punta na ako do'n. Labas tayo minsan para makapag-kape." Paalam niya.

"Oo naman, Doc. Sige, see you."

      Pagpasok ko sa office ko ay sinalubong agad ako ng secretary ko. At dahil sa curiosity ko, hindi ko na napigilang tanungin siya.

"Ms. Secretary, may mga Info's ka bang alam tungkol sa anak ng CEO natin?" Tanong ko at umupo sa swivel chair ko.

"Buti naman po at nagtanong kayo, Sir. Hmm, nag-aral po siya ng pagdo-Doktor sa Amerika, Sir. Sa katunayan, kakauwi lang po niya dito sa Pilipinas. Ayaw nga raw po niya noong una, buti na lang at nakumbinsi siya ng Daddy niya na dito na lang magsilbi sa sarili nilang ospital. Ang gusto daw po ata niya, doon na lang siya sa Amerika magtrabaho pero nagbago daw po ang isip niya. Mas makakatulong daw po ata siya dito kaya dito na lang daw po siya mags-stay. Isa po siya sa mga magagaling na Doktor doon, Sir. Topnotcher pa nga po 'yon e."

"Masyado ka palang maraming alam. Salamat. Anong schedule ko ngayon?" Sabi ko at isinuot na ang white coat ko.

"Tumawag po kani-kanina lang si Dr. Gomez, Doc. Kung pwede daw po sana, kakausapin niya kayo."

"Bakit daw?"

"Wala pong sinabi e. Basta may kinalaman daw po kay Dr. Silvestre."

"Alright. Thank you, gawin mo na ang trabaho mo."

      Napahawak na lang ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya. Maiipit pa ako sa away ni Gomez at Silvestre neto. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. I'm sure nag-uunahan silang makuha ang partnership na in-offer ko last time.

*Tok tok*

"Come in."

      Napatayo ako nang tumambad sa harapan ko si Mikaela, nakangiti ito kaagad pagpasok niya kaya napatayo ako para batiin siya.

"Good morning po." Bati ko. "Upo kayo."

"Masyado namang formal 'yan, Doc. Tawagin mo na lang din akong Dr. Buenavista. I'm sure narinig mo naman na ang balita."

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon