...because memorable moments can only be captured by your naked eye and your naked heart.
Mikaela's POV:
It's been a month, no, more than a month since Kaid and I became closer to each other. Hindi ko din alam how it happened pero bigla na lang nangyari. I have to be thankful, right? Because this is what I want.
I'm not sure if we're dating na. Wala naman kasi siyang sinasabi sa akin, but we're always together—during our meal sa cafeteria, sa work, sabay na kaming umuuwi ngayon, we're having dinner na rin, minsan nagkikita din kami kapag weekend para mamasyal. I don't want to assume naman but I can't help it. Tulad ngayon, nandito kami sa cinema to watch a movie.
"Kaid, kayo ba ni Sofia... nanood na ng ganito? Lahat ba ng ginagawa natin, nagawa niyo na?" Di ko maiwasang magtanong.
Hindi siya nakasagot agad. Is he hesitating? I couldn't see his face kasi medyo madilim na. Malapit na kasing mag-start 'yung pinapanood namin.
"I-Ikaw pa lang... ang babaeng nakasama ko para... manood ng sine." He said.
Napangiti na lang tuloy ako. Buti na lang madilim kundi makikita niya ang pag-blush ng mukha ko.
"I see. Thank you." I replied. "I could feel the coldness na. Buti na lang nagdala ako ng jacket."
"Heto jacket ko---"
"No, no. Huwag na, Kaid. Baka lamigin ka din. 'Yung hands ko lang kasi, parang nakakaramdam ng spasm sa sobrang lamig. Medyo masakit." I said.
"Lend me your hands. Can I see?" At itinapat ko sa kanya ang mga palad ko.
"Nagta-tighten nga yata ang muscles mo. I hope this could help."
He suddenly cupped my hands to transfer some heat using his very own hands. My Gosh, Kaiden Joshua, my heart flatters so much. Why are you doing this to me?
"Medyo okay na ba? Nakaramdam na ba ng heat ang mga kamay mo?" Tanong niya.
"Y-Yeah. Thank you."
"Magsisimula na pala ang movie. Manood na tayo." He said, "Just put your left hand inside your pocket at hayaan mong hawakan ko na lang 'tong sa kanan mo para hindi na malamigan. Let's hold hands."
Hindi lang niya alam pero my heart beats so fast. How can he do this to me.
Kaiden's POV:
Habang nanonood kami ng movie ay parang kamay ni Sofia ang hawak ko. Lumingon ako sa katabi ko at si Sofia ang nandoon. She's smiling at me kaya ginantihan ko rin iyon ng ngiti. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya at tahimik na nanood.
I missed her, I missed Sofia. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon dito, na katabi at kahawak ko siya ng kamay.
"I missed you." I whispered and she just smiled at me. "Sana ganito tayo araw-araw."
"Sana nga, Kaid." She answered and we just stared to each other.
Unti-unting nawala sa paningin ko ang mukha ni Sofia na tinititigan ko at napalitan iyon sa mukha ni Mikaela. My heart ached so much when I realized that I'm just daydreaming. She's not here, Sofia's not here.
"Kaiden, is there a problem?" She suddenly asked.
"Ha?"
"Your eyes..."
"A-Ah, ang lamig kasi tapos 'yung screen ang liwanag kaya parang mahapdi sa mata." Sagot ko, "Manood na lang tayo."
Unti-unti kong binitawan ang kamay niya at pinilit na kumain ng popcorn para hindi niya mapansin.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomanceAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.