Chapter 22: The Day She Left

46 4 1
                                    

When am I able to find the good in a word goodbye?

Sofia's POV:

       Nagising ako sa alarm sa gilid. 3:00 na ng umaga. Kailangan ko ng mag-ayos para makaalis ng maaga. Bawal kasing ma-late. Baka maparusahan pa 'ko.

       Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga nang maalala ko si Kaiden. Pinaalis ko siya kagabi. Hindi rin kami nagkaayos, pero nakapag-usap naman kami kahit papaano. Kaya lang di pa talaga ayos ang sistema ko sa nangyari. Nandito pa rin sa puso ko 'yung selos at tampo.

"Hays, Sofia, umayos ka. Di ka pwedeng ma-distract. Huwag muna, ngayong aalis ka." Bulong ko sa sarili ko at tumayo na.

       Sa totoo lang hindi ko alam kung pupunta siya ngayon para magpaalam sa akin. Sigurado naman akong pati siya ay may tampo sa akin, hindi lang niya pinapakita sa akin. Pero di naman na ako mag-e-expect na pupuntahan niya ako para di ako masaktan ng sobra.

*Phone ringing*

"Good morning, Captain!" Bati sa kabilang linya ni Serge.

"Good morning. Anong kailangan mo?" Bungad ko sa kanya.

"Ang sungit mo po, Captain. Wala po, gusto ko lang sabihin na good luck sa atin. Sige po, mag-aayos na ako."

"Sige. See you." I said and ended the call.

       Tumayo na ako pagkatapos no'n at dumiretso na sa banyo para makaligo. Kailangan ko ng maghanda sa pag-alis ko.

> Fast Forward

      Nakabihis na ako ngayon at nasa harap ng salamin para ayusin ang buhok ko. Lalagyan ko pa ito ng pampatigas para hindi ako mukhang bruha kapag humangin. Napatingin ako sa dog tag na suot ko at hinawakan iyon. Sundalo nga talaga ako. Tumingin ako sa wrist watch ko, 4:00 na. Kailangan ko ng umalis.

       Kinuha ko na ang lahat ng gamit na dadalhin ko. Parang naninibago yata ako sa combat boots ko ah, parang nabigatan ako. I've checked all the appliances and locks sa buong bahay and everything's fine. Ready to go now.

"Dyahe. Doc Ethan, ngayon na lang ulit kita nakita ah." Sabi ko. Naghihintay pala siya sa akin sa labas. "Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Sakay na. Sabay na tayong pumunta sa camp."

"Alright."

       Sumalampak na ako sa motor niyang dala. Umangkas ako sa likod niya. Ayoko na rin kasing magdala ng kotse o motor dahil problema ko pa. Balak ko na lang sanang mag-commute kaso sinundo niya ako kaya ayos.

"Pupunta ba mamaya si Samantha para magpaalam sayo?" Tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami.

"Oo naman, Captain. Noong una nga ayokong papuntahin kasi iiyak lang siya pero naisip ko, gusto ko pa rin siyang makita para inspired ako sa trabaho."

"You're too cliché." I said.

"Wala ka talagang karoma-romansa sa katawan, Captain."

"Focus on driving and shut your mouth."

"Roger that, Ma'am!"

       Hindi ko maiwasang isipin si Kaiden. Hindi pa ako nagtetext sa kanya. Magtetext na lang ako kapag nasa camp na ako para pagkagising niya, mababasa niya. Maski hindi kami masyadong okay, gusto ko pa rin siyang i-update. At gusto ko ring makapagpaalam ng maayos. Pumunta man siya o hindi, mabuhay man ako o mamatay, sigurado naman akong maipapadala ko sa kanya ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

FLASHBACK

       Kakatapos ko lang ayusin lahat ng mga gamit na dadalhin ko bukas. Ngayon naman, isusulat ko na 'yung letter ko para kay Kaiden if ever na mamatay ako sa misyon ko.

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon