And before you die, live.
Sofia's POV:
"Everybody! In 5, 4, 3, 2, 1... assault!" Sigaw ng ground commander kaya lahat kami ay nagsitakbo na papunta sa loob ng white house.
Parang isang malaking giyera ang nangyayari. Mabilis na pag-iwas ang ginagawa namin sa mga balang papatungo sa amin ngayon. Marami din pala ang mga kalaban namin at talagang mahirap silang patumbahin dahil sa mga suot at armas nila.
Suntok, tadyak at kung anu-ano pang tactics ang mga ginamit ko nang makaharap ko na ang ilan sa kanila.
"Where the hell is the entrance going to the control system of the Cerberus code?" Pagsasalita ko habang nakikipaglaban pa rin sa mga kalaban.
Sigurado naman akong rinig na ako ng mga nasa kabilang linya. Connected ang earpiece na suot ko sa USA, South Korea, and Philippine officials and superiors. Niradyohan ko ang mga teammates ko at kinumusta ang mga trabaho nila, salamat naman at kumpleto pa rin kami.
"Go to your left and take a right turn." Utos ng isang American official kaya sumunod naman ako, "Enter the elevator and go to the ground floor."
"But I'm on the ground floor." Sabi ko.
"Just listen to me!"
"Alright." Sabi ko naman.
Pagbukas ko ng elevator ay tatlong mga lalaki ang bumungad sa akin. Mabilis kong binunot ang dalawang baril sa magkabilang gilid ng mga tuhod ko at mabilis na ipinutok iyon sa kanila. Dahil may konting kabagalan pa rin ang galaw ng mga kamay ko, nabaril ako sa balikat kaya nabitawan ko ang isang baril ko at humawak sa sugat ko.
Ipuputok ko pa sana ang isa ngunit wala ng bala iyon kaya ibinato ko na rin sa kung saan.
"Ije neo jugeosseo." Nakangising sabi niya sa akin at wawasakin na sana niya ang mukha ko nang maunahan ko siya, sinipa ko ang kaligayahan niya.
"Huwag mo 'kong ma-jugeosseo geosseo diyan!" Sabi ko sa kanya at siniko ang batok niya kaya nawalan na siya ng malay.
Pagkapasok ko ng elevator ay pinindot ko na ang ground floor. Tina-tap ko ang mga paa ko habang naghihintay sa pagbaba. May secret office pala ang white house sa baba ng lupa, cool.
"Stalwart to legionary, can you hear me, Ma'am?"
"I do. Is there any problem?" Tanong ko.
"Huwag kang tutuloy ng ground floor! May bombang itinanim ang mga kalaban! Sa oras na madikit ang elevator na sinasakyan mo doon, sasabog 'yon."
"What the. Bakit di mo agad sinabi sa akin?!" Sigaw ko. "Wala na akong magagawa! Mamamatay na 'ko dito!"
"Spindle to Legionary, I'll shut down the operating system of the elevator, over."
"Thank you for saving my life." Sabi ko at humawak sa railings at maya-maya pa'y tumigil na sa pag-andar iyon. "But, what the hell should I do now? I'm stuck in here."
"Para saan pa at nandito kaming teammates mo." Dinig kong sabi ng anim sa kabilang linya kaya napangiti ako.
"Good work, Alpha Team." Sabi ko.
"We'll pull you up. Don't worry, Major."
Kaiden's POV:
Tarantang-taranta kaming lahat sa sunud-sunod na pagdating ng mga pasyente dito site kung saan kami nakapwesto. Protected naman kaming lahat dahil maraming sundalo ang nakapalibot para sa seguridad ng lahat.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomanceAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.