Chapter 37: Solved

46 3 1
                                    

How about a second chance?

Sofia's POV:

"What about your new models?" I asked.

"Wait a minute, Ma'am." And I just nodded.

     Nandito ako sa store ng Samsung ngayon para bumili ng bagong phone. Gusto ko na kasing palitan 'tong phone ko dahil bulok na at tumitingin din ako ng may mas magandang specs. Ilang taon na din sa'kin 'to.

"Heto po ang bagong model namin ngayon, Ma'am. Samsung Galaxy S9 plus." At inabot niya sa akin ang kulay ng pagpipilian.

"Gusto ko 'yung pinakamataas ang space ng RAM at ng storage." Sabi ko.

"6 GB po ang RAM neto with 256 GB storage, Ma'am."

"Gusto ko 'tong kulay blue." Sabi ko sa kanya.

"Kung partial pa lang po ang babayaran niyo----"

"Nah. I'll take it. Babayaran ko na ng buo." Sabi ko.

     Excited na excited akong magamit 'to kaya mabilis akong sinamahan ng babae sa counter para magbayad.

"Card po ba or cash?"

"Card." I said and hand them my card.

"60, 990 pesos po, Ma'am."

"Yeah."

     Pagkatapos nilang kunin ang mga information ko at makapagbayad ako ay umalis na ako at mabilis na lumabas ng mall. Pagdating ko ng parking lot ay sumakay agad ako sa kotse at sinet-up na ang bagong cellphone ko.

"Shit, ang ganda talaga neto." Sabi ko habang tuwang-tuwang inaayos 'yon.

     Nang maayos ko na ay pinicturan ko muna ang sarili ko at ginawang wallpaper 'yon.

     Nagpunta ako sa kampo pagkatapos ng mga kalokohang ginawa ko. Magpapaalam lang ako bago ako dumiretso kay Papa. Yes, you heard it right. Pinayagan ng korte na palabasin na siya dahil inatras ko na ang kaso laban sa kanya. Buti na lang di gano'n kabilis ang proseso dito at nahabol ko pa.

"Major!"

"Oh Spindle, bakit?"

"Tawag po ang Alpha Team sa office ni General."

"Na naman?" Hindi maganda ang balitang 'to sigurado, "Andun na ba sila?"

"Opo. Tayong dalawa na lang ang kulang."

"Sige, tara na."

     Nang makapasok kami doon ay sumaludo muna kami at pumwesto na kami sa linya ng team ko.

"Maj. Cruz. Nabalitaan mo naman siguro na nakaalis na ang team ng air force at navy papuntang South Korea."

"Sir, yes, Sir." Sagot ko.

"Kailangan naming magpadala ng isang battalion na tao doon at pangungunahan sila ng Team mo pati ng Team Bravo at Charlie."

"Sir?" Gulat kong tanong, "Pero passes pa po ng team ko."

"Iyon na nga. Pasensya na kayo dahil biglaan din ang misyong ito. Huwag kayong mag-alala, may dalawang linggo pa naman kayo para manatili dito. Kailangan niyo rin ng training. At susunduin kayo ng Air force ng SoKor sa airbase." Paliwanag niya.

"S-Sir, yes, Sir." Pabulong kong sagot.

"Answer me loud and clear!" Utos niya.

"Sir, yes, Sir!" Sagot ko naman.

     Pagkatapos ng lahat ay pinauna na niyang palabasin ang mga kasama ko habang ako naman ay pinaiwanan niya.

"Alam kong gulat kayo ng team mo, pero wala tayong magagawa dahil tayo ang napili ng SoKor para magbigay ng assistance sa kanila. Utos din ito ng nakatataas. Wala tayong magagawa kundi sumunod."

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon