There are times when it's easier to have fallen than to be the one still standing.
Kaiden's POV:
Nag-aayos na 'ko ng gamit ngayon dito sa opisina ko habang pinapanood ako ng iba sa mga kasamahan ko. May isang desisyon kasi akong gustong panindigan, para makabawi na ako sa mga maling desisyon na nagawa ko.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'to?" Tanong ni Dr. Fernandez.
"Di mo man lang pinaalam ang desisyon mong 'to sa amin?" Tanong naman ni Dr. Jessa.
"Umalis na nga si Dr. Buenavista, aalis ka pa."
"Dr. Timoteo, napaliwanag ko na sayo 'to di'ba? Matagal ko na 'tong gustong gawin. Alam niyo naman ang nangyari."
"Pero kailangan ka rin naman ng ospital na 'to. Huwag ka na lang tumuloy." Pigil nila sa akin.
Tumigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko tsaka umupo sa edge ng table at nag-cross arms. Hingang malalim, Kaiden.
"Maski wala naman ako, kaya niyo naman 'yan. Ang dami ninyong magagaling dito." Sabi ko.
"Doc, paano na 'ko. Kapag umalis ka wala na akong boss. Ibig sabihin wala na din akong trabaho." Sabi ng secretary ko.
"Ms. Secretary, don't worry. May trabaho ka. Hindi naman ako aalis ng may maaapektuhan. Si Dr. Meneses na ang bagong boss mo dito. Pag-alis na pag-alis ko, lilipat na siya dito." Sagot ko.
"Thank you, Doc!" Tuwang-tuwa niyang sabi kaya ngumiti lang ako.
"Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?" Tanong nila.
"I already filed my resignation letter. Kinausap na din ako ng CEO kahapon and he already signed it, so... I'm ready to go." I said.
"Basta kapag napag-isipan mong bumalik, welcome ka pa rin naman dito."
"Yeah. I know." Sagot ko sa kanila at ngumiti.
"Bisitahin mo pa rin kami, maliwanag?"
"Oo naman, Dr. Ayala." Sagot ko.
Isa-isa naman silang lumapit sa akin at niyakap ako sabay tap ng likod ko. Kapag talaga magaling kang makisama, maraming malulungkot na kaibigan kapag napalayo ka sa kanila.
Nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at nang matapos ako ay hinatid pa nila ako hanggang parking. Binuksan ko ang compartment no'n at inilagay na ang mga kahon na dala-dala ko, at isinara na ulit.
"So, I'll just keep in touch. Galingan ninyo sa mga gagawin pa ninyo, okay?" Sabi ko.
"Mawawala ang sigla ng lahat nyan kapag wala ka na. Baliw ka kasi. Bakit naisipan mo pang umalis." Sabi ni Dr. Jessa.
"Andyan naman kayo e. Hindi naman ibig sabihin na umalis na ako sa ospital na 'to, titigil na ang pag-ikot ng mundo ninyo. Basta kukumustahin ko pa rin naman kayo at dadalawin dito." Sagot ko.
"Sige na, alis na. Baka mapagkaisahan ka pa namin at pigilan." Sabi ni Dr. Fernandez.
"Okay. Got to go. Babalitaan ko na lang kayo." Sabi ko, "See you again."
Pagpasok ko ng kotse ay nakita ko pa silang kumaway sa akin pero di ko na binuksan ang bintana dahil malulungkot lang ako lalo. Okay, aalis na ako.
Pagdating ko sa paroroonan ko ay bumaba agad ako ng kotse. Dalawang lalaki naman ang bumungad sa akin at in-escort nila ako papunta sa loob habang bitbit ko ang mga gamit ko. Kumatok sila sa isang opisina at pinapasok naman nila ako.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomanceAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.