Chapter 23: A Day Without Her

43 4 0
                                    

Moments without you are the saddest part of my life.

Kaiden's POV:

      Pagkababa ko sa kotse ko dito sa parking, bumungad sa akin si Mikaela ng nakangiti. Kaka-park lang din siguro niya.

"Good morning." She greeted.

"Good morning, Dr. Buenavista." I responded.

"Okay lang bang sumabay na ako sayo sa paglalakad papasok ng ospital?"

"S-Sure." I said.

      Tahimik lang kami sa paglalakad ng bigla niyang basagin ang katahimikan.

"Balita ko... nakaalis na si Sofia."

"Ah oo. Kakaalis lang niya kahapon." Sabi ko.

"I see. I've noticed your sadness yesterday." She said, "Alam ko kung gaano kahirap ang mawalay sa taong minamahal mo."

"Nakakawala ng ganang bumangon sa umaga dahil alam mong buong araw mo siyang hindi makikita." Sagot ko.

"Nandoon ka ba kahapon?" Tumingin ako sa kanya, "... sa lugar kung saan sila umalis."

"Yeah. I was there. The whole camp was crowded at parang nag-turn 'yon into a cemetery dahil sa iyakan ng mga tao." I said.

"That was painful to see." She said.

      She stopped walking when we're about to enter the hospital and smiled at me.

"What is it, Mikaela?"

"I know that we're not in good terms, both Sofia and I, but I want you to know that I'm just here in case you need a friend or someone to talk to. I know that I will never ever be Sofia, and no one can replace her. Pero gusto kong gawan siya ng pabor. Tell me everything you want to tell her while she's gone. Gusto kong maging kaibigan mo."

"That's not easy, Mika." I said.

"I know. Pero kung kailangan mo talaga ng mapagsasabihan, andito lang ako. Just call me if you need me. I'll be there."

      Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nauna na siyang naglakad sa loob at iniwanan ako. Gusto niyang maging kaibigan ako? Bakit?

Mikaela's POV:

      Hindi rin pala magandang makita na malungkot si Dr. Vallejos. Yes, noong una gustung-gusto ko na talaga umalis si Sofia, pero hindi pala siya ganun kadaling palitan. Of course, girlfriend siya at ako nakikisingit lang sa eksena. Pero gusto ko si Kaiden, gustung-gusto. Una ko pa lang siyang nakita parang nagka-interes na talaga ako sa kanya. Hindi siya mahirap pakisamahan, hindi siya mahirap magustuhan.

"You look bothered." Shannon said. She's here at my office to visit me again.

"I'm worried about Dr. Vallejos." I answered.

"Why? What's his problem?"

"Sofia's gone, of course. Kaya siya ganun." I said.

"Hay nako. Mika, malamang malulungkot siya dahil wala ang girlfriend niya."

"I know. But I'm still worried. I don't wanna see him like that."

"Teka nga. Tell me straight to the point, okay?"

"At first, I want Sofia to go away na talaga dahil gusto ko, lahat ng attention ni Kaiden is for me lang. Kaya lang, seeing him like that would be painful. I want to make him happy, okay? Kung pwede nga lang ibalik si Sofia dito just to make him smile, I'll do it."

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon