Chapter 6: Moment

76 5 0
                                    

Moment that starts their stories of Love...

Kaiden's POV:

"I thought I'd lose you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I thought I'd lose you."

     Walang tigil sa pagpatak ang luha ko dahil sa kaba na baka mawala siya. Iniisip ko kung paano na 'yung buhay ko kung tuluyan siyang mawala sa'kin.

"K-Kaiden..."

"Sofia. M-May masakit pa ba s-sayo?" Tumulo lang ang mga luha niya sa tanong ko.

"Masaya ako dahil ikaw ang unang nakita ko mula sa pagkakatulog ko." Nanghihinang sagot niya.

     Bakas ang panunuyo ng lalamunan niya dahil sa pagsasalita niya. Nanunuyo rin ang labi niya kaya putlang-putla ito. Under recovery pa rin siguro ang katawan niya sa ngayon.

"I was so scared, Sofia." I said while crying in front of her.

"Patawad." Sabi niya at hinaplos ng isang kamay niya ang pisngi ko.

"I don't wanna lose you. I won't let it happen." I said and held her hand. "Sofia, never let go of me, please. I was so happy this morning tapos makikita kitang walang malay at puro dugo. I was so nervous. I don't know what to feel. I thought they're taking away my happiness."

"I will never let them to take your happiness away, Kaid. I won't let go of you. I promise." She said, "No, I mean, I assure you. I won't give you a promise 'cause I didn't know if I can keep it. So, I assure you." She added.

"Sofia, please, please..."

"Ayokong nakikita kang umiyak, Kaiden. Baka akalain nilang paglalamayan na 'ko. Sige ka." Biro pa niya kaya pinilit kong ngumiti. "Tahan na."

"Ikaw rin, tumahan ka na. Sorry napaiyak kita. Natakot kasi ako." Sagot ko at pinunasan ang luha niya.

"It's okay." Sabi niya at pinilit na maupo.

"Teka, hindi mo pa kaya."

"Ayos lang. Nangangawit na 'kong humiga." Sagot niya kaya nilagay ko na lang ang isang unan sa likod niya para sumuporta.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Aish." Napangiwi siya, "Medyo masakit pa 'tong tahi sa tagiliran ko." Paliwanag niya, "Hindi naman ako nagugutom. Bakit ka nga pala nandito? Sa lahat ng Doktor ikaw ang tumatambay."

"Break ko naman kaya binantayan kita."

"Salamat." Sabi niya at ngumiti, "Salamat dahil hindi mo ako iniwan... lalo na sa ganitong sitwasyon."

"You don't have to thank me. Gusto kong gawin talaga 'to." Sagot ko, "Pero kailangan mong bumawi."

"Huh?"

"Lunch tayo dapat di'ba? Kaya babawi ka."

"Aish, oo nga pala." Napapikit na lang siya nang maalala niya, "Oo. Babawi ako. Let's have a date kapag nakalabas na 'ko dito!"

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon