I wanna fall in love again, but this time with no regrets...
6 Months and 8 Days later
Kaiden's POV:
"Now that you're ready and prepared enough to go to a mission, you will be dispatched to South Korea to give further assistance to our alliance." Gen. Bustamante said.
Naka-attention kaming lahat ngayon habang nakikinig sa mga instructions ni Sir. Lahat kaming mga newbies ay pinatawag ng biglaan para mag-report dito sa kampo.
Ako ang nagsisilbing superior ng medics dahil ako ang may mataas na ranggo sa Medical Team.
"Can we do this, soldiers?!"
"Sir, yes, Sir!" Sabay-sabay naming sagot.
"Company commander, prepare your troops for dismissal."
"Sir, yes, Sir."
Sumaludo pa ito kay General at maya-maya pa'y nagbigay muna ng instructions bago dinismiss ang lahat.
"Team and platoon leaders, assemble your men on the air base at 1700H for the flight!"
"Sir, yes, Sir!"
"Answer me loud and clear!"
"Sir, yes, Sir!" Ulit namin.
Matapos ang dismissal ay nagpunta na ako sa loob ng barracks para ayusin agad ang mga gamit ko. Umaga pa lang naman kaya lang gusto kong umuwi para makapagpaalam ng maayos kay Vanna at Mommy sa pag-alis ko.
Nang matapos ko na ang lahat ng kailangang ayusin dito sa kampo ay nagpaalam muna ako para makauwi. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong naman ako agad ni Mom at Vanna.
"Kuya!" Sabi ni Van at niyakap naman niya ako agad, "Nandito ka na pala. Napaaga ka yata ngayon?"
"May sasabihin ako sa inyo kaya maaga akong umuwi." Sabi ko. "Mom." Bati ko kay Mommy at niyakap siya.
"One week pa lang mula ng makauwi ka galing sa training ninyo sa kampo, anak. Anim na buwan kang nawala kaya miss na miss ka namin ng kapatid mo." Sabi niya sa akin.
"Manang, handa na po ba ang pagkain?" Tanong ni Vanna.
"Oo, anak. Halina kayo at mag-almusal na kayo. Buti naman at kasabay niyong kumain si Sir Kaiden ngayon." Sabi ni Manang.
"Let's go." Sabi ko sa kanila at pumunta na kami ng dining room.
Tahimik ako habang kumakain. Kwento naman sila ng kwento sa akin pero para bang sarado ang isipan ko at hindi maproseso ang lahat ng 'yon. Siguro dahil kinakabahan lang ako sa unang beses na pagsabak ko sa isang misyon kaya ganito. Kahit sinasabi nilang isa ako sa mga magagaling na sundalo, natatakot pa rin ako.
"So, anong sasabihin mo sa amin, Kuya?" Tanong ni Vanna.
"Mom, Van... I am leaving today." I said.
"Where are you going, Son?"
"Mom, we have a mission. We're dispatched to South Korea and you know a soldier's life, I might not be able to come back." I said.
"This is what I am afraid of. I know this will happen the moment you entered the army. Son, do you really have to do this?"
"I know, Mom. Ako rin po natatakot ako but I chose this."
"Kuya, paano na kami kapag nawala ka? Huwag ka na lang pong umalis." Says Vanna.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomansAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.