...and we became each other's tears.
Kaiden's POV:
"Kailan ka nga pala nakalabas ng ospital?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.
"Nagpa-discharge din ako noong gabing 'yon." Sagot niya at nagsimula ng sumubo ng pagkain.
"Okay ka na?"
"Yeah, okay na ako." She said, "Thank you for taking care of me."
"Hindi naman ako ang Doktor mo."
"If it is not because of you, baka pinaglalamayan na ako ngayon. Kaya thank you."
"You're exaggerating. Grabe ka naman sa pinaglalamayan. Pfft. Slight physical injuries lang naman 'yan." I placed a piece of chicken on her plate, "Kain lang. Magbawi ka ng lakas."
"A-Ah... Thank you." She uttered.
Habang kumakain ay nagkwentuhan lang kami. Hindi siya boring kausap at madaldal din siya. Kung naging maayos lang ang pagkakakilala ni Sofia sa kanya, naging magkaibigan siguro sila.
"It's already 8:30 in the evening. I think kailangan na nating umuwi. I'll see you tomorrow then, Ms. Buenavista." I said.
"Thank you for the treat, Dr. Vallejos. Are you accepting my offer na?"
"Offer?"
"Friendship." She said and smiled.
"I do."
"Thank you. Mauuna na ako. Ingat ka na lang din pauwi." Paalam niya.
"Ingat sa pagda-drive."
Sinundan ko ng tingin ang kotse niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Pagkasakay ko ng kotse ay nagdrive na din ako pauwi. I could feel the loneliness again... 'cause she's not here.
Sofia's POV:
"You miss him already, don't you?"
"Major..." I smiled at her, "I do."
"I couldn't believe that a badass like you would fall for a man." She mockingly said. "Tomboy ka dati di'ba?"
"And I am also expecting that you'll remain single for a lifetime." I chuckled. "Mas tomboy ka kaya."
"Aish." Pinagpag niya ang combat boots niya, "Why did you let him come to the air base?"
"I wanted to see him... hold him before I go, for there might be a chance that I would regret it." I faked a smiled, "Hindi ko na magagawa 'yon kapag namatay ako."
"Ang bakla ng sinasabi mo. Di ko ine-expect na si Sofia Adreanna Cruz, magiging ganyan kapag nagmahal." Tumawa siya ng bahagya.
"Para namang hindi mo pa nasubukan kung paano magmahal. Huwag ako."
"How could you talk with your superior like that? Seriously."
"Tch. Ewan ko sayo. Punta na akong barracks."
"You'll leave me alone here? Hoy!"
Pumunta ako sa likod ng barracks at umupo sa sahig. Gusto kong mapag-isa, sa madilim. Ayokong may makakita sa akin at kumausap sa akin. Kinuha ko ang picture ni Kaiden sa bulsa ko at pinagmasdan iyon, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. How could I be so cruel? For leaving you behind, hurting us both.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomanceAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.