EPILOGUE

88 5 1
                                    

We stitched each other's heart in the midst of forever.

Sofia's POV:

      Inaalalayan ako ngayon ng mga kasama ko habang pababa kami ng chopper. Alas-sais na ng hapon kaming nakapagland dito sa Philippine air base. Medyo masakit pa rin kasi ang tagiliran ko dahil kakagaling ko lang sa operasyon sa South Korea, habang ang isang braso ko naman ay nakabenda pa rin dahil nadaplisan ako during the operation.

       Sinalubong naman kami ng iba pang sundalo, kasama ang mga naiwan pang superiors ng tatlong service pati na ng Presidente ng Pilipinas. Sumaludo naman kami agad at nirenderan naman niya.

"Congratulations, Maj. Cruz." Sabi niya at in-offer ang kamay niya sa akin.

"Sir, thank you, Sir." Sagot ko at nakipag-kamay sa kanya.

      Pagkatapos ng pagbating iyon ay binati niya rin ang mga kasama ko pati na sina Serene, Sir Villareal, Sir Gonzales, at pati na sina Meghan. Kasama namin si Meg sa operation doon pero di naman namin siya nakasama dahil binabantayan nila ang pwedeng daanan ng mga kalaban sa maritime Zone ng Amerika.

       Habang pinagmamasdan ko ang mga kasama namin na masayang nag-uusap-usap ay nakita ko naman ang isang lalaki na paparating at nakangiti sa akin.

"Adreanna, anak." Bati niya sa akin at niyakap ako.

"Dad." Ngumiti naman ako at niyakap rin siya sa isang kamay ko.

"Mahigit anim na buwan akong hindi nakatulog ng maayos sa kaiisip kung ligtas ka pa ba. Sobrang nag-alala ako sayo, anak. Diyos ko." Maluha-luhang sabi niya.

"Sorry kung napag-alala kita, Dad. Alam mo namang di ako pwedeng kumontak kapag may operation."

"Siguro naman ay pwede kang magpahinga ng ilang buwan dahil may sugat ka pa."

"Oo naman po, Dad. Excused naman po ako." Sagot ko.

"Anak, di ba pwedeng mag-resign ka na lang sa trabaho mo? Baka mauna ka pa sa'kin e. Baka kapag nawala ka pa, matuluyan na 'kong mabaliw."

"Pfft, Dad. You're overreacting." Natatawa kong sabi.

"Nag-aalala lang ang Tatay mo, anak."

"I know. Thank you, Dad."

       Habang nagkakatuwaan kami ni Dad ay napansin kong hindi na masyadong maingay. Pagtingin ko sa paligid ko ay halos wala na ang mga tao.

"Gago, nasaan na kaya ang mga tao dito kanina? Di ko man lang napansin na wala na pala sila."

"Adreanna, nagsialis na sila. Masyado ka kasing nakatitig sa gwapong mukha ng Tatay mo kaya di mo napansin na wala na pala sila."

"Talaga lang, Dad ah?" Sagot ko, "Ang gagaling talaga ng mga miyembro ko. Alam naman nilang di ako makakapag-drive, iniwan pa nila ako."

"Nandito naman ako anak. Sasamahan naman kita papuntang kampo ninyo." Sabi niya.

"Sure ka, Dad?"

"Oo naman."

"Sige po." Sagot ko at nagsimula naman na kaming maglakad patungo sa kotse niya, "Magpapaalam din naman po ako agad na uuwi na muna ako sa bahay para makapagpahinga na."

"Mabuti 'yon para gumaling ka kaagad."

      Pagpasok namin ng kotse ay inilagay ko na ang seatbelt ko. Inabot naman sa akin ni Daddy ang cellphone ko.

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon