Part 8: Pain

83 4 0
                                    

In just a snap, you can experience the joy of love and the pain of loss.

Sofia's POV:

     Tulala lang akong nakatingin sa kanya pagkatapos ng mga sinabi niya. T-totoo ba 'yung narinig ko? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Basta saya ang nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hey! Why are you staring with each other?" Pambabasag sa katahimikan ni Vanna.

"A-ah, wala baby. He-hehe. Si Kuya Kaid mo kasi ang gulo. Hehe. Tara, tingnan natin 'yung isa pang kwarto." Hinawakan ko ang kamay ni Vanna at nilagpasan si Kaiden.

"Wow! I like this room. I love the color. Hihi." Sabi ni Vanna at pumalakpak pa.

"Oo nga. Ang g-ganda." Sagot ko at tumingin kay Kaiden na seryoso ang mga titig sa'kin.

"May class po ba kayo bukas, Ate Sofia?"

"Yes. Bakit? Halos one week na din kasi akong absent. Kailangan ko ng pumasok, baby Vanna." Sagot ko.

"Hm... pwede po ba kitang puntahan dito sa house mo every Sunday? Wala po kasi akong class no'n. We can play po."

"Sure baby!" Masaya kong sabi at umupo para magka-level kami.

"Yehey! Thank you po!" Niyakap niya 'ko kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"You're welcome."

     Tahimik pa rin na nakatingin sa amin si Kaiden. Pero ngayon ay medyo nakangiti na siya. Kitang-kita sa mga mata niya na mahal na mahal niya ang kapatid niya.

"Vanna, we have to go home na." Biglang sabi ni Kaiden at lumapit sa amin.

"Too early to go home, Kuya." She said then pouted.

"Daddy texted me. He was searching for you. C'mon, let's go."

"Iihhh. Ate Sofia, can you come with us?"

"Baby, I can't. Mag-aayos pa kasi ako ng gamit ko e. Sorry, baby. Pupuntahan na lang kita sa inyo kapag may time ako, okay?" Paliwanag ko kaya nakangiti naman na siya.

"Sige po. Thank you, Ate." Sabi niya at niyakap ulit ako.

     Hinatid ko sila hanggang sa parking lot. Nang makapasok na si Vanna sa kotse ay humarap sa akin si Kaiden at inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako.

"Pupuntahan kita mamayang gabi dito. We have to talk." Sabi niya at ngumisi sa'kin.

     Hindi na 'ko nakasagot dahil pumasok siya agad sa kotse niya at umalis na nga sila. Ano bang meron at ganyan siya? May sumapi ba sa kanya? Nang mawala na sila sa paningin ko ay bumalik na 'ko sa condo unit na pinahiram sa akin pansamantala.

"Ang dami pala ng damit na aayusin ko." Sabi ko at dinala sa isang kwarto ang mga gamit ko. "Dito na lang siguro ako---"

*Ring ring*

"Hala. Ba't ngayon pa may tumawag sa telepono? Wala na sina Kaiden. Ano kayang sasabihin ko?" Lumapit ako sa kinalalagyan ng telepono at sumagot.

"Hel---"

"Be ready..."

"Hello? Sino po sila? Nagkamali ata kayo ng tinawagan."

"Ikaw si Sofia Adreanna, hindi ba?"

     Hinawi ko ng bahagya ang kurtina sa bintana at tumanaw sa labas. May isang kotse na nakababa ang bintana at may lalaking nakatanaw sa kinaroroonan ko.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Hahaha. Ikaw ang kailangan ko para makaganti sa ama mo." Sagot niya.

"Hindi ako si Sofia. Nagkakamali ka."

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon