Chapter 35: Closure

42 3 2
                                    

Forgetting someone you love is like trying to remember a person you've never met.

Sofia's POV:

"Congrats, Major." Bati sa akin ng mga kasamahan ko.

"Congrats din sa inyo." Sagot ko, "Happy hour tayo mamaya dahil lahat tayo promoted."

"No problem, Cap--Ay, Major pala. Luh, nasanay ako." Sabi ni Serge at tinakpan ang bibig niya.

"Major Cruz! Congratulations." Bati ni Sir Gumapos sa akin. "I am so proud of you."

     Nagpaalam naman ang mga kasamahan ko at iniwan muna kaming dalawa ni Sir.

"Sir, thank you, Sir." Sagot ko at ngumiti.

"You deserve all of these." He said and tapped my shoulder.

"Thank you po sa pagturo sa akin sa lahat ng bagay na 'to, Sir. Kung di dahil sa inyo di ko matutupad ang lahat ng ito."

"I'm just an accessory of your achievements. Nakuha mo lahat ng ito dahil sa pagsisikap at dedikasyon mo sa trabaho. Good luck to your upcoming missions, Major."

"Thank you po, Sir."

"Osiya, maiwan na muna kita. Just enjoy this day." And he left me.

     Naglakad ako habang nakapamulsa tsaka tinitingnan ang kabuuan ng kampo. Ito ang naging tahanan ko. Ito ang lugar na naging sandalan ko sa mga panahon na nawalan ako ng pag-asa sa lahat ng bagay. Masaya ako dahil kung hindi ako nakapagtapos bilang isang sundalo, lahat ng taong nasa paligid ko ngayon hindi ko makikilala. Blessing in disguise din pala ang pagtakas ko sa kamay ng mga taong kalaban ng tatay ko.

     Iniisip ko din na... dalawin siya ngayong araw sa kulungan. Alam kong lumaki ako ng walang tatay. Pero gusto ko pa ring malaman ang kalagayan niya sa loob ng selda. Dugo't laman pa din naman niya ang dumadaloy sa katawan ko ngayon. Dapat ko siyang pasalamatan dahil sa pagbigay niya ng buhay sa akin, di'ba? At gusto ko ring makilala ang mama ko. Matagal ko ng pangarap iyon.

"Major Cruz, mukhang malalim ang iniisip mo ah?"

"Lt. Col." Banggit ko sa panibagong ranggo niya, promoted na din siya.

"Nah, just call me Serene. Gusto kong naririnig ang first name ko. Basta kapag tayong dalawa lang." Sabi niya.

"Ang arte mo." Sabi ko, "Napansin ko naging mas close na tayo."

"I know. Friends na tayo ulit?"

"Best friends." I said and smiled.

"Really?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Yeah, kung ayaw mo---"

"Gusto ko."

"Happy hour?" Alok ko.

"Deal." She says.

"Mamaya. 6 pm. May pupuntahan muna ako ngayon."

"Don't tell me pupuntahan mo sa hospital 'yung mokong mong ex. Tumigil ka na sa---"

"I understand. Calm down. I won't, okay? Ibang tao ang pupuntahan ko. Relax. I'll keep in touch." I said and walked away.

"You should call me before 6 pm!" She shouted and I just waved my hand.

"Inaatake na naman siya ng hysteria." I whispered.

Kaiden's POV:

     Pagbukas ng mga mata ko ay si Daddy, Mommy at Vanna ang nakita ko. Nagmadali naman silang lumapit sa akin kaagad at kitang-kita ang pag-aalala sa mga mukha nila.

In the Midst of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon