There's no turning back.
Kaiden's POV:
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mabasa ko ang sulat. Natutuwa na kinakabahan. Ewan ko. Luminga-linga ako at nagbabakasakaling makita siya pero di ko siya makita kaya naglakad ako at nilibot ang buong ospital. Hanggang sa tumakbo na 'ko para mas mapabilis ang paghahanap ko sa kanya.
"Sofia... Sofia... Nasaan ka, Sofia..?" Bulong ko habang walang tigil sa paghanap sa kanya.
"Hi, Doc!" Bati ng ibang nurses sa'kin pero tumatango lang ako sa kanila at pilit na ngumingiti para hindi nila mahalata na may hinahanap ako.
"Sofia... I need to see you." Bulong ko. "I want to see you."
Tumigil ako sa pagtakbo ng may makita akong babaeng nakatalikod at nakasuot ng uniform na pang-army. Sumulyap ulit ako sa sulat na hawak ko at tinupi iyon sa dating pagkakatupi at inilagay ko sa bulsa ko. Ito na ang pagkakataon ko. Grab this opportunity, Kaiden. This is your chance.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat at kasabay no'n ang pagharap niya sa'kin. Ramdam ko ang pagkawala ng bigat sa dibdib ko.
"H-Hi." Hindi pala siya si Sofia. Anak ng.
"Doctor..?" Sabi niya at ngumiti, "Ano po 'yon?" Nahihiya ako sa sarili ko.
"P-pasensya na at naistorbo ko kayo ng k-kausap mo." Sabi ko at napalunok, "G-gusto ko lang sabihin na... na... s-stable na ang lagay ng isa sa mga kasamahan niyo. Kakatapos ko lang siyang o-operahan kanina." Sabihin niyong ayos ang palusot ko.
"Ganun po ba? Ah, salamat po, Doc. Wala po ba si Doc Ethan do'n?" Tanong niya.
"Ah, kasama niya ang ibang nurses at ginagamot ang iba sa mga kasama niyo."
Pagkatapos ng ibang napag-usapan namin, nagpaalam na 'ko sa kanya para sabihing may mga gagawin pa 'ko. Nakakahiya naman. Padalos-dalos kasi ako. Pagkabukas ng elevator ay nilagay ko sa bulsa ng coat ko ang mga kamay ko at naglakad ng dire-diretso para hindi mapansin ng iba na medyo hinihingal pa 'ko.
Tiningnan ko muna ang phone ko at tumigil sa paglalakad nang marinig kong mag-beep. Hinahanap na naman ako ni Ethan. Ano na naman kayang kailangan niya? Tch. Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad nang may makasalubong akong dalawang sundalo na nag-uusap. Isang lalaki at isang babae. Nagtatawanan ang mga 'to habang nag-uusap at nakatingin sa isa't isa kaya di ko masyadong kita ang mukha. Humarap sila pareho sa unahan at saktong nakalagpas na sila sa'kin.
Isang lalaki at... isang babae? Yung itsura niya... Sof-Sofia... Para ako na-estatwa. Parang nag-slow motion ang lahat. I'm sure. I'm sure, that was Sofia. Nang masampal na sa'kin ang katotohanan ay du'n lang ako nakagalaw. Lumingon ako sa likod pero wala na sila. Wala na si Sofia.
Sofia's POV:
"Tanga ka pala e." Sabi ko at pinitik ang noo niya.
"A-aray ko, Captain."
Sinesermonan ko siya dahil sa kwento niya. May konting mali pala siya sa mga orders niya sa mga sundalo niya kaya medyo naisahan sila. Hindi kasi nag-iisip ng mabuti bago magbigay ng command.
"Sorry na, Captain." Sabi niya habang hinahaplos ang noo niya.
"Never.Say.Sorry., Crisostomo." Sagot ko. "Hays, gagamit lang ako ng CR sandali. Hintayin mo 'ko."
Pagpasok ko sa CR ay narinig kong may pumasok. Doktor ata, nagbibigay ng paalala at gamot e. Para kaboses siya ni... Kaiden? Hays. Pero hindi, guni-guni ko lang 'yon.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomanceAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.