How to move on? Make yourself busy.
Vanna's POV:
I've decided to meet Ate Sofia. I called her last night, sabi ko magkita kami sa café na pinagtambayan namin dati. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya kasi nagalit ako sa kanya. Nalaman ko kasi na siya ang dahilan kung bakit nakulong si Daddy, pero may kasalanan pala talaga si Dad sa kanila. Sinira ni Daddy ang family ni Ate Sofia. I couldn't believe na kayang pumatay ni Daddy. And I pity myself kasi di ko matanggap 'yon.
Habang pinaprocess pa ang case ni Daddy, kasama namin ni Kuya sa bahay si Mommy ngayon. Buti na lang nandyan siya kasi di ko na talaga alam ang gagawin ko kung pati siya wala sa'min. Humingi na din ako ng sorry kay Kuya sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya, though naiintindihan daw niya ako pero parang nararamdaman ko pa rin 'yung guilt kasi sumagot ako ng pabalang sa kanya.
"Ate Sofia." I said. Nakaupo na siya at naghihintay sa akin nang makarating ako.
"Vanna." She said.
"Sorry, Ate." I said and hugged her.
"Oh? Bakit?"
"Kasi nagalit ako sayo. I'm really sorry, Ate."
"Van." She said and wiped my tears. "Naiintindihan ko naman, syempre nakulong ang Daddy niyo dahil sa akin. Ako ang dapat na mag-sorry."
"No, no, Ate. Kami dapat. Malaki ang kasalanan namin sayo. Sorry."
"Van, wala naman kayong kasalanan. Hindi ibig sabihin na may kasalanan ang Daddy niyo, e madadamay na din kayo. Hindi ganun 'yon." She responded.
"Thank you, Ate."
"Magkapatid nga talaga kayo ni Kaiden. You always conclude things. Pfft." She chuckled. "Tahan na, upo ka na para maka-order na ako ng makakain natin."
Sofia's POV:
Mabait talaga silang magkapatid. Natutuwa ako dahil kahit wala silang kasalanan, nagpapasorry pa rin sila. Masaya ako na sa kabila ng mga nangyari, napalaki sila ng maayos ng Papa nila. Iyon na siguro ang magandang sukli na ginawa ng Papa nila para sa akin.
"Hindi pa po kayo okay ni Kuya?" Tanong niya habang kumakain kami ng lasagna.
"Van, may ibang girlfriend na ang Kuya mo. Di na kami pwede, maski mahal ko pa siya, di ko na siya pwedeng ipaglaban dahil may bago ng nagmamay-ari sa kanya." Sagot ko.
"Nakakalungkot naman. Dahil sa mga conclusions namin, nagkagulo ang lahat." Sabi niya.
Iniba ko na lang ang usapan namin para maiwasan ko ang lungkot. Parang kumikirot kasi ang puso ko sa tuwing iniisip ko na may nagmamay-ari ng iba kay Kaid. 'Yung dating akin, nasa iba na ngayon.
Naging komportable na siya ulit at nagkwento na ng nagkwento. Buti na lang hindi nagbabago ang batang 'to. Nawala man ang Kuya niya sa akin, at least siya bilang kapatid at kaibigan ko hindi nawala.
*Ring ring*
"Vanna, sagutin ko lang 'to ah." Sabi ko at sinagot na ang tawag, "Hello?"
"Captain! Ay, Major pala!"
"Eagle? Bakit?"
"Pumunta na po kayo dito sa camp, Major. May information pong sasabihin si General." Sabi niya.
"Alright. Hahabol na lang ako. Magreport na kayo sa office niya. I'll be there in 10 minutes." I said and ended the call.
"Kailangan niyo na po bang umalis, Ate?"
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomansAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.